Dakilang Fan (One-Shot Story)

15 1 0
                                    

Sumagi na ba sa isip nyo ang mga tanong na ito?

Magiging kami kaya ni bias?

Kung di magiging kami, magkatuluyan kaya apo niya at anak ko?

O di kaya anak niya at anak ko?

Makikiss ko kaya si bias?

Mahal rin kaya ako ni bias?

Oo diba?

Yan tayong mga fans eh. Pero ang mga tanong na ito:

Lagi na lang ba ako nasasaktan?

Hanggang international fan na lang ba ako?

Sa screen ko na lang ba makikita si bias?

At ang mas masakit e...

Dadating rin ba ang panahon na malilimutan ko rin ang tamis na karanasan ko sa mundo ng pagiging fan?

May tao bang mamahalin ako ng lubusan na higit pa sa magmamahal ko kina bias?

Totoo bang mageexit rin ako sa pagiging tagahanga pag nag asawa at nagkaanak na ako?

Alam ko at alam nyo rin na dadating ang tamang panahon na hihiwalayan na natin sina bias?

Diba? Masakit mang isip pero isang Dakilang Tagahanga na lang tayo.

Yung feeling na naiisip mo si bias, Ano kayang ginagawa nila? Saan kaya sila ngayon?

Pero Fans lang tayo eh. Yung tipong gusto mong yakapin si bias habang umiiyak siya, yung ikaw dapat ang kahalikan niya ngayon sa drama, yung naiiyak ka nalang pag nabalitaan mong kasal o dating na si bias. Masakit diba?

Pinanganak siguro tayo upang suportahan sila. Sinusuportahan sila kahit anong gawin nila. Masama man o hindi nasa tabi lang nila tayo, magmamahal. Pero ang sakit talaga eh yung habang si bias nasa south korea tapos ikaw nasa pilipinas. Yan yung tinatawag na long distance relationship diba?

Pwede bang kalimutan ko nalang sila para di na ako nasasaktan? Ang tagal kasi ni real life prince charming eh. Yung tipung nahahawakan mo, mahahalikan mo, aalagaan ka, rereplayan ka sa mga chat mo, ipagtatangul ka, at higit sa lahat mamahalin ka di bilang tagahangan kasi ako laging umaasa na darating si prince charming upang iligtas ako mula sa mundo ng kpop because I'm deeply inlove with my bias na hindi kayang suklin ang pamamahal ko dahil tinuring lamang akong ISANG TAGAHANGA.

Dakilang Fan (One Shot)Where stories live. Discover now