Chapter 13

30.3K 1K 157
                                    

Happy 2k reads yay. Babyuh guys. Mwahkelz

Chapter 13

Hindi ako nakasagot nang marinig ko na agad ang galit na boses ni Michael. Napalunok ako ng laway napansing nakatingin sa'kin si Dark.

Anong gagawin ko? Di nya pwedeng malaman na kasama ko ngayon si Dark. Magagalit si Michael sa'kin kapag nalaman nya 'to. Napagbawalan na nya ako dati, ano'ng sasabihin ko?

Iniwas ko ang tingin ko kay Dark at nagsalita ng mahina, "M-May pinuntahan lang ako." Sagot ko sa tanong ni Michael at labis hiniling na sana di nya mapansing nagsisinungaling ako.

"Tell me the exact place. I'm going there." Malamig na sabi nya. Napatikhim naman ako dahil sa sobrang panunuyo ng laway ko.

"Actually, papunta na ako sa room. Magtitime na di'ba?" Pagsisinungaling ko pa.

Tumahimik naman ang nasa kabilang linya. Narinig ko muna syang bumuntong hininga bago nagsalita. "Are you with someone right now?"

Muli ako napatingin kay Dark na mukhang naku-curious kung sino ang kausap ko. Marahang lumapit pa sya sa'kin at pinagkrus ang braso nya.

"N-No." Sabi ko at nilagay ang hintuturo sa tapat ng labi ko para sabihang wag mag-ingay si Dark. Di naman ito sumagot at nanatili lang na nakatingin sa'kin. "I-I'm alone."

"Carlo, you're not lying to me, are you?" Tanong ni Michael sa kabilang linya sa mababang tono. "Wag mo sirain ang tiwala ko sa'yo. You know how I fckin' hate liars, right?"

Biglang nag-init ang ulo ko sa mga sinabi nya. Madiin na naglapat ang mga ngipin ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Tiwala? Sino ba ang unang sumira ng tiwala sa'ming dalawa? Hindi ba siya? Kinalimutan na ba talaga nya kung pa'no nya ako--- Ayoko nang maalala pa. Unti-unti na namang may sumisiklab na galit sa dibdib ko. Baka makapagsalita lang ako ng di maganda sa kanya at maungkat ang mga pangyayari nang gabing 'yun.

Saka bakit ba nadadala na naman ako ng takot ko sa kanya? Hindi nya ako pedeng kontrolin kasi may sarili akong buhay. Bakit di nalang sya kumain ng lunch kasama ang girlfriend na mapagkakatiwalaan nya. Tangina nya.

"I'm not lying. Ano bang pakilam mo kung may kasama man ako?" Biglang lumabas nalang sa bibig ko. Dala narin siguro ng pagkainis ko kaya hindi ko na napigilan.

Balak ko pa sanang bawiin iyon ngunit nagsalita na agad si Michael. "Fuck, Carlo. I don't know. Pakiramdam ko mapapatay ko sya kung sino man ang kasama mo ngayon." Tila nanggigigil na sabi nya. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya at nakagat ng mariin ang ibabang labi ko.

Wag mo na syang galitin, Carlo. Pagpapaalala ko sa sarili ko. Kapag ginalit ko pa sya. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga pede nyang gawin. Baka madamay pa si Dark pagnagkataon.

Napatingin ako kay Dark nang walang sabi nyang pinatong ang kamay nya sa balikat ko. Binigyan nya ako nang nag-aalalang tingin at di ko alam kung bakit.

Mula sa balikat ko, nag-angat ang kamay nya patungo sa pisngi ko. Marahan nyang pinunasan ang luha na kanina pa palang tumutulo mula sa mata ko.

Lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa akin labi.

Why am I crying?

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Where stories live. Discover now