"S-Sino ka?"

"Alexa, ako 'to." Tinanggal niya ang mouth mask niya pati na rin ang cap nito. "Si Brent." Tila biglang hindi ako makapag isip dahil sa rebelasyon na ito. "Pumunta rin ako dito noong nakaraan pero bigla kang hinila nung kasama mo." Si Ravince ang humila sa akin. "Pumasok ka pa nga sa unit niya." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Brent nang sinasabi niya iyon. Pero bakit ganun? Hindi ako nagi-guilty na malungkot siya? Matapos ko siyang panoorin lagi, bakit wala akong maramdaman na guilt sa ginawa kong iyon? "Alexa, pinagpalit mo na ba ako?"

"Brent, pwede ba umalis ka na? Baka kung sino pa ang makakita sayo rito."

"Alexa naman. Kausapin mo muna kasi ako. Aalis ka ba? Bakit ka nakaayos, saan ka pupunta?"

"Brent pwede ba? Huwag kang pabigla-biglang pumupunta rito? Kung may makakita sayo, ano na naman ang sasabihin ng mga taong nasa paligid mo? Brent, huwag mo na ulit akong pahihirapan. Nasaktan na ako noong una. Tama na yun. Tanggap ko naman na mas mahalaga sa'yo ang career mo." Matapos ko iyong sabihin ay isinara ko na ang pinto ko.

Bakit ba kasi kapag okay na ang lahat saka naman bumalik ang nang-iwan sa akin?

Okay na ako. I can live without him. Hindi naman ako desperadang makipagbalikan sa kanya lalo pa't sikat na siyang artista. Ayaw ko lang na nilalapitan pa niya ako.

"Alexa! Please! Pagbuksan mo naman ako." Ilang beses pa akong nakarinig ng katok sa pinto hanggang sa nawala na ito.

Pero ilang sandali lang ay narinig ko na naman ang pagkatok.

"Robin." Tila nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Ravince. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Nakita ko pa sa hallway si Brent pero pinapasok ko na kaagad si Ravince at isinara ang pinto. Bahala na si Brent kung ano ang iisipin niya. Ayaw ko lang na ako ang sinisisi nila kapag nagkakaroon ng masamang balita tungkol kay Brent.

"Yung ex mo."

"Magbibihis lang ako." Nginitian ko si Ravince para hindi na ito magsalita pa. Nakabihis na rin naman siya kaya dapat lang na hindi ko na siya paghintayin. Isinuot ko na lang ang dress na binili nito. After ng party ay ibabalik ko na lang sa kanya. Siguro naman ay sakto sa ate niya 'to. Hindi naman totally match ang damit namin. Sakto lang, parehong itim. And besides, wala naman yata siyang pakialam kung match o hindi ang mga damit namin.

Paglabas ko ng kwarto ko ay panandalian lang akong tinapunan ng tingin ni Ravince bago tumalikod na.

"Tara na? O gusto mo pa ba siyang kausapin? Maiintindihan ko kung hindi ka na sasama sa akin."

"Sasama ako." Kinuha ko na ang purse ko at lumapit sa kanya. "Ayoko siyang kausapin."

"Robin, are you sure?" This time ay humarap na nang tuluyan sa akin si Ravince kaya tumango lang ako bilang tugon. Sigurado akong ayaw kong makausap si Brent. Ayaw ko siyang makita.

Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Ravince bago nito binuksan ang pintuan. Nandoon pa rin si Brent at parang nalungkot siya nang makita niyang kasabay kong lumabas si Ravince.

Nilagpasan namin siya nang bigla itong magsalita.

"Siya na ba?" Natigilan kami sa paglalakad ni Ravince dahil sa tanong ni Brent. "Kaya ba ayaw mo akong makausap? Siya na ba yun?"

"Hindi Brent." Hindi nakatinging sagot ko sa kanya. "Wala akong naging ibang relasyon pagkatapos ng atin pero hindi ibig sabihin nun ay gusto kong magkabalikan tayo."

Muli akong naglakad at sumunod na lang sa akin si Ravince. Nagpapasalamat ako dahil walang tao sa floor namin ngayon.

Pagbukas ng elevator ay kaagad kaming pumasok ni Ravince at nang magsara na ito ay parang doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.

"Dapat kinausap mo siya ng mas matagal."

"Para saan? Masasaktan lang din naman ako kung aasa akong magiging matino ang relasyon namin. Hindi ko kayang intindihin ang trabaho niya, Ravince. Kasi gusto ko, akin lang ang oras at atensyon niya. Ayaw ko ng may umeeksena. Selfish akong tao kaya naman mas minabuti kong huwag munang magcommit sa isang relasyon."

"kaya lagi kang may ibang lalaking kasama? Kaya may napaaasa ka?"

"Hindi ako nagpapaasa. Alam naman nila na kung gusto nila akong makasama, huwag dapat silang umasa na magkaroon kami ng relasyon."

"kaya okay lang din sayong matawag na malandi?" Bumukas na ang elevator at nasa basement na kami kung saan nakapark ang mga sasakyan.

"Kailan man ay hindi naging okay na matawag na malandi, Ravince. Pero hindi ko sila masisi kung yun ang tingin nila sa akin."

"Kung si Brent ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan dapat kausapin mo siya."

"Ang problema hindi siya." Sinusundan ko lang siya papunta sa sasakyan niya. "Yung katandem niya. Yung dati kong kaibigan... siya ang problema, Ravince. Hindi si Brent. Ang trabaho niya ang problema, hindi siya."

"Pero baka naman ikaw ang problema mismo at hindi ang mga nabanggit mo." Baka. Baka nga sinisisi ko lang sa iba dahil ayaw kong tanggapin na ako mismo ay nagkulang.


******************************

MALILIMUTAN KO NA YUNG PLOT OMG! HAHAHAHAHA

Just so you know, may sariling story ang kapatid ni Ravince. Hello, Neighbor. Magkakaroon din ng story si Janine (kaibigan niya) after ni Ravince.

vote and comment kung trip. lol

Just Between Me and YouOn viuen les histories. Descobreix ara