Chapter 30: Trial Phase 9

Magsimula sa umpisa
                                    

“Wala akong ideya kung sino sila,” that’s a lie. I am good at showing my good side and hiding my dark side.

"It's better na mawala siya sa pagkakataong ito ke'sa mawala ang mas marami sa atin," Bigkas niya. "Walang puso niyang pinatay ang mga kasamahan na'tin kaya hindi dapat siya bigyan ng kakarampot na awa."

Bumuntong hininga ako at humarap kay Tomy na seryosong nakatingin sa akin. "Wala akong ideya sa kung sino ang sinasabi mo. Kung kilala mo ang killer, sabihin mo sa lahat at ‘wag lang sa akin.”

"Kung hindi ka kikilos, baka isunod ka niya." Sabi ni Tomy at lumabas na ng aking silid.

Napalingon ako sa study desk sa aking kwarto. Nanatiling nakapatong ro'n ang notebook na ibinigay sa akin ni Phil, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ginagalaw. Ano nga kaya ang bagay na nais iparating ni Phil?

Lumabas ako ng aking silid at kasabay nito ang malakas na pagtunog ng bell. 

"Players the trial is about to start, please proceed to the trial court"

Bumaba na ako sa trial court. There are 14 pictures of dead people habang labing dalawa na lang ang buhay. Who would thought that dead people can outnumber us?

Pumunta na ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang mga mukha ng aking kasamahan. All of us still wearing their mask, walang gustong magpakita ng kanilang totoong ugali.

"Okay players trial start!"

Walang gustong magsalita. Hindi ko ugaling umpisahan ang trial. Ayokong magsalita ng mga walang katuturang bagay. Mas gusto kong nakatahimik lang at magsasalita lamang kung kailan nila kailangan ang opinyon ko.

"How should we start this? Owen magsalita ka naman," sabi ni Chelsea na parang hinihintay nila ako.

"Let me analyze things first. H'wag kayong masyadong umasa sa akin" sabi ko.
Masaya ako dahil nagre-rely sila sa akin, it means pinagkakatiwalaan nila akong lahat. Paano kapag  nawala na ako rito? Hindi ang talino ko ang magsasalba sa mga buhay nila, may mga utak sila at sana naman matutunan nila iyong gamitin.

“Let start with the kill—“

“Pocket knives,” sabi ni Stacy kay Hannah. “Ngayong alam mo na ang killing weapon, ano na ang sunod? Don’t state the obvious.”

“Si Crystal ito,” sabi ni Tomy at nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
“Bakit ako bigla ang pinagbintangan ninyo?” Tanong ni Crystal.

"Oo nga naman! Walang kasalanan si Crystal dito" Pagtatanggol ni Raven. "Prove it, Tomy. Hindi ko hahayaan na mawala ang kaibigan ko sa mga pagbibintang mong walang dahilan."

"I think her kindness is too suspicious. Sige nga ipaliwanag mo ang kalendaryo sa kwarto mo Crystal," Matapang na sabi ni Tomy.

"Bakit ba ang big deal sa'yo no'n? Anong kinalaman ko doon? Ako ba ang gumawa ng kalendaryo na 'yon!? Sinabi ko naman sa'yo nandoon na 'yon bago pa man tayo mapunta sa lugar na ito." Sagot ni Crystal. This is the first time na narinig ko siyang nagtaas ng boses.

"Anong kalendaryo ba ang pinag-uusapan niyo? Mas masaya sana kung alam namin 'yon," Sabi ni Stacy at umirap. "Kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan at nagmumukha kayong dalawang tanga sa mga mata namin."

Kahit ako, clueless din ako sa sinasabi ni Tomy. “It’s about the 2019 calendar in my room samantalang 2018 pa lang.” Si Crystal na ang nagpaliwanag. I taught there’s a deeper reason behind it.

"Alam mo Tomy," Saglit na nagbuntong hininga si Stacy. "Para kang siraulo, una pinagbintangan mo kami ni Shane sa picture na magkasama tapos ngayon yung walang malay na kalendaryo pinagbintangan mo pa!”

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon