Chapter 26: Night 8

43.8K 1.7K 554
                                    

Chapter 26: Night 8Tomy

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Chapter 26: Night 8
Tomy

No'ng nagsisimula na akong magtiwala kay Stacy, she suddenly wrecked it in just one snap. Pinagkalulong niya ng mga kaibigan ko para lang sa conclusion niya na walang any basis.

Sa buong pag-i-stay namin dito, I tried to be nice to her sa kabila ng kagaspangan ng ugali niya. Sinubukan kong unawain at intindihin siya pero dahil sa ginawa niya ngayon, pinatunayan niyang mali ang mga unang desisyon ko.

After the trial ay marami sa mga kasamahan ko ang lumapit sa akin at sinabing makipag-ayos na ako kay Stacy tulad na lamang nina Chelsea, Jessie, at Shaine. Hindi ko pa siya kayang patawarin, let her conscience grudge her first.

If Owen wants to know the identity of the killers, hindi ko siya papakialamanan doon dahil iyon ang trip niya sa buhay. Pero h'wag niya rin sana akong papakialamanan kung gusto kong malaman ang lahat ng sikreto sa parkeng ito.

isang bagay lang ang napansin ko simula nung naging curious ako sa lugar na ito. Lahat ng lugar dito ay accessible, lahat ay pwede naming gamitin, accessible lahat except sa private rooms ng bawat isa at ang main office ng parkeng ito.

Bago magsimula ang gabing ito ay may bagay akong gustong malaman.  Imposible naman kasing mapunta kami sa lugar na ito nang biglaan, yung tipong pagmulat ng mata namin Viola! Nandito na kami sa demonyong parkeng ito.

Sinigurado kong walang taong nakakita sa akin habang naglalakad ako tungo sa main office. No'ng nasa tapat na ako ng pinto, as expected, naka-lock ito.

Inilabas ko ang isang manipis na hair pin na patago kong inipit sa aking buhok. Nakuha ko 'to kanina habang magkausap kaming dalawa ni Shane.

Maniniwala ba kayo magaling ako pagdating sa pagbubukas ng pad lock? Miyembro ako ng isang sindikato noong nasa labas palang ako. Tinuruan kami kung paano bubuksan ang mga ganitong klaseng lock at maging pag-diffuse ng bomba ay itinuro rin sa akin.

Actually hindi naman siya kasing hirap tulad ng mga napapanuod sa horror movies. Basta tantsado mo ang sukat ng lock ay madali mo ng mapapaikot ang loob nito para mabuksan.

Kung itatanong niyo kung bakit hindi ko na lang buksan ang pinto ng gate kung kaya ko naman pala, nope hindi ko siya kaya. It have some passcode at ang matatalino lang na tao ang nakakakuha ng gano'ng bagay. Miyembro ako ng sindikato kaya hindi ako nakapag-aral kaya wala akong alam sa mga passcode-passcode na iyon
Ipinasok ko sa loob ng maliit na padlock ang hair pin at unti-unting sumilay ang isang ngiti mula sa aking labi no'ng mabuksan ko ito. 

Paniguradong nandito sa loob nito ang passcode. Pinihit ko ng doorknob, naka-lock. "Shit!" Isa ito sa pinakamahirap buksan. kapag padlock madali pa, pero kapag door lock ay medyo mahirap siya.

Killer GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora