Chapter 25: Judgment Phase 7

38.9K 1.6K 292
                                    

Chapter 25: Judgment PhaseRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 25: Judgment Phase
Raven

Nasa restaurant ako at napadako ang tingin ko sa may labas. Nakita kong mag-isang nakaupo si Mario malapit sa isang souvenir shop. Naglakad ako palabas at tinungo ang kanyang direksyon. Ngayon ko lang nakita na ganito kalungkot si Mario.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"W-wala." Sabi niya sa akin at ibinaling ang kanyang tingin sa kalangitan. "Hindo ba sumasagi sa isip mo Raven kung kumusta  na kaya ang pamilya natin?"

Saglit akong napatigil sa sinabi ni Mario. “Pagkasabi mo niyan ay na-miss ko bigla ang mama’t kapatid ko.” Nakangiti kong sabi.

"Siguro dahil sa pagiging busy natin na makaalis ng park na 'to, nawala na sa isip na'tin ang mga taong nagmamahal sa atin sa labas. Hindi kaya nila tayo hinahanap?" Tanong ni Mario.

"Actually hindi naman kami mahirap kaya ako nasali sa larong ito, wala akong pangangailangan dahil lahat ng bagay mayroon kami," Sabi ni Mario sa akin. I thought ay lahat kaming nandito ay mahihirap.

"Paano ka nasali rito?" Curious kong tanong.

“I have a close friend who has a stage three cancer. Gusto ko siyang tulungan kung kaya’t naisip ko na baka etong laro na ‘to ang paraan.  Do you know what’s more scary?” umiling ako bilang sagot. “Dahil nakakulong tayo rito, hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya. Gusto kong manalo rito, I will use the cash prize para maipagamot ang kaibigan ko.”

Hinimas ko na lang ang likod ni Mario, hindi ko alam kung paano siya papakalmahin this time. I always see him happy kaya nakakapanibago ang biglaang pag-iyak ni Mario.

Hinintay ko munang maging okay si Mario bago siya iwan. I now feel that Mario treat me as one of his closest friend here kasi nagkwento na siya sa akin ng past niya. Bigla tuloy ang na-curious sa past ni Owen. Mayroon kayang reason kung bakit gano'n siya makitungo sa amin?

Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Crystal. "Raven!" Pagtawag niya sa akin at ngumiti. Halata naman ang maga niyang mata na kagagaling  lang sa pag-iyak.

Sa totoo lang unti-unti na nga rin akong nagbe-breakdown eh. Alam niyo yung pakiramdam na nasa punto kaming lahat kung saan nahihirapan ang bawat isa. I will be plastic if I will say that everything is fine, in reality, everything is mess up.

Sa kagustuhan kong mapagaan ang loob ni Crystal ay inaya ko siya na sumakay sa mga rides.

“Bakit tayo sasakay?” Tanong niya sa’kin.

“Wala lang, pampaubos oras lang.” Hindi ko sasabihin kay Crystal ang rason kung ba’t ko siya inaaya. Mahirap gumawa nang masyadong kabutihan dahil baka ma-misinterpret ito ng mga tao.

In-enjoy namin ni Crystal ang mga natitirang oras sa pagsakay sa mg rides at paglalaro sa mga booth. Hindi naman kasi ng happiness ang lalapit sa amin. We should be the one who seek for our own happiness.

Killer GameWhere stories live. Discover now