Chapter 11: Night 3

49K 1.9K 829
                                    

Chapter 11: Night 3Owen

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Chapter 11: Night 3
Owen

Hindi ako makapaniwala na isang inosente lamang si Bryan. Pakiramdam ko ngayon ay ako ang pinakamasama sa aming lahat. Ako ang nagsilbing promotor sa mga namatay, despite of my jolly personality, deep inside... Masakit din para sa akin.

"Owen it's your fault again! Hindi ka ba titigil sa pagtuturo mo?" Sabi ni Raven habang sinasabayan niya ako sa paglalakad patungo sa aking silid.

"Hindi." Tipid kong sagot. Kahit na nasasaktan ako, kailangan kong ipakitang matapang ako. Magaling akong umarte sa harap ng ibang tao... And I consider that as a talent.

Pagkapasok ko ng aking kwarto ay sumunod sa akin si Raven, "Hindi ko maintindihan kung Detective ka ba talaga o katulong ng mga killers sa pagpatay sa mga inosente?"

"Pa'no mo maiintindihan kung hindi mo tinitignan sa iba't-ibang anggulo lahat ng mga bagay na ginawa ko?” sabi ko sa kanya at kumuha ng damit sa drawer. "Ikaw ang hindi nakakaintindi Raven, we're on this game and we must do our role." Hiniling ko na lang sana na si Phil o kaya naman si Tomy itong naging kasamahan ko. Lahat ng dapat gawin ni Raven ay idinidikta ko pa sa kanya.

"Patuloy mo lang bantayan ang mga ikinikilos ni June," Sabi ko at isinuot ang itim na damit na aking kinuha sa drawer.

Hangga't maaari ay simpleng gawain lang ang ibinibigay ko kay Raven and the rest ako na ang gagawa. I'm pretty sure na mainit ang mga mata ng killer sa akin, Tomy, at Stacy matapos ang mga pinagsasabi namin no'ng nasa trial.

Nakakapanghinala na rin si Amanda. I'm pretty sure na hindi lang ako ang nakakapansin no'n kaso mahirap iyon malaman lalo na't palaging nagtatago si Amanda.

"Puro ka naman bantayan si June! Hindi naman siya ang doctor. Hindi mo ba pansin? Pumipili lang ng random people ang doctor ng ililigtas niya at nagkataon na si June ang nauna!" Isa pa ito sa mga ayoko kay Raven, He's a hard headed.

"Just. Do. It" Tipid kong sabi sa kanya at lumabas ng aking kwarto.

Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi pero wala na akong pake. Habang naglalakad ako ay nakasalabong ko naman si Mario. "Mario!" Nakangiti kong sabi sa kanya at inakbayan.

Ikinabigla ko nang biglang tapikin ni Mario ang kamay ko at inalis sa pagkakaakbay. "Pwede ba Owen 'wag mo na akong plastikin," Sabi sa akin ni Mario. "Akala ko kaibigan ka namin nila Bryan, pero ano ang ginawa mo? Ikaw mismo! Ikaw mismo ang naglagay sa peligro kay Bryan... Ikaw mismo ang hudyong pumatay kay Bryan!"

Saglit akong tumahimik at inalis ang mga pekeng ngiti ko sa aking labi. "'Wag mo rin akong plastikin Mario," Namilog ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Akala mo ba, hindi ko natandaan na 'Yes' ang boto mo kay Bryan? Ibig sabihin ginusto mo rin na mamatay siya... 'Wag kang umastang santo, hindi bagay" 

Killer GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin