Chapter 8 - Explanation of Everything

14 1 1
                                    

Flashback 2 years ago..

"Mom, hindi ko na kaya.. Bakit hindi pa rin siya nagigising? Ba't ang tagal? Sabi niya hindi niya ko iiwan. Pero ano to? Nasaan siya? Hirap na hirap na ko."  Humahagulgol na sabi ni Xandria sa Mom niya.

"Sweetheart, kaka-recover mo pa lang sa pagka-paralyze mo nagpapa-stress ka na naman."

"Hindi Mom. Hindi. I'm tired of hearing things about him not waking up. I'm tired." Sabi ni Xandria at lumabas ng bahay at nagdrive paalis.

Wala siyang driver's license pero marunong siyang maneho.

Iyak siya ng iyak hanggang makarating siya sa isang lugar na paakyat, puro bangin, sa baba ng bangin, nandoon ang dagat.

Patuloy lang siya sa pagda-drive hanggang sa nasiraan siya..

Tinigil niya ang kotse sa tabi at tiningnan ang sira nito.

Ngunit narinig niya ang isang malakas na pagkadulas ng malaking truck na papunta sa direksyon niya.. Naramdaman niya ang malakas na pwersa ng tumama sa kanya at nahulog siya sa bangin..

Nabagok ang ulo niya at patuloy na nahulog sa tubig..

*****

"Nasan ako? Sino kayo?" Tanong ng dalaga..

"Ayos ka lang ba? Nahanap ka namin sa may dalampasigan ng isla na pag-mamay-ari namin." Sagot ng isang matanda ngunit magandang babae.

"S-sino ako?" Tanong ng dalaga.

Nagulat ang matanda at hindi makapag-salita.

Napag-alaman nilang nagka-amnesia pala ang dalaga at walang maalala ni isa tungkol sa kanyang sarili.

Napagdesisyunan nilang kupkopin ang dalaga dahil wala rin naman silang anak. Mayaman sila. Mayamang-mayaman ngunit hindi naman sila nagka-anak.

Naisip ng mag-asawa na maaaring ito na ang sagot ng Diyos sa kanilang nga dalangin.

Inalagaan nila ang dalaga at binigay ang higit pa sa lahat ng pangangailangan nito. Minahal nila ito ma parang tunay nila itong anak.

Pinangalanan nila ang dalaga ng Naomi Laleyn Akutagawa.

Japanese sila at sinunod nila ang pangalan ng dalaga sa kanilang apilido..

Mahal na mahal nila ang dalaga at hindi nila ito pababayaan kailan man..

A/N:

Short update ulet. Hehe.

Read. Comment. Share. Be a fan.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon