Chapter 7 - Present

17 1 0
                                    

Naomi's POV

Masaya lahat...

Lahat ng tao masaya ngayon..

Valentine's Day ngayon.. Meron mang mga bitter, mga walang pake, meron pa ring mga taong nagmamahalan ang masaya.

Meron rin kaming 1 whole day para magcelebrate. May mga ilang booths pero halos tungkol sa love lang naman. Para ngang foundation ehh.. Rides na lang ang kulang.

"Huli ka!" Sabi ng isang 3rd year college student..

"Huh?"

Nilagyan niya ng posas ang kamay ko at nalaman ko agad kung ano ito..

"Jail Booth?" Tanong ko.

"Nope."

"Wag mong sabihing, Marriage booth?" Inis na tanong ko..

"Oo. Wag ka sa'kin magalit. Ginagawa ko lang ang task ko."

Naglakad kami papasok sa..

Library?

"Nandito yung ipapakasal sa'yo." Sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko.

"Sino ba 'yun?"

"Malalaman mo rin."

Tsk. Pa-suspense pa.

Pumasok kami sa loob at nakita ko kaagad ang isang tao..

Ang pinakamalamig na taong nakilala ko..

"Huli ka! Sa wakas! Tara na." Sabi ni Kuyang 3rd year. (College na po sila.)

Nakita ko ang mata niyang malamig na nakatingin sa'kin.. Kakilala ko siya at ang barkada niya. Madalas kaming ma-set up. Kagagawan na naman nila 'to panigurado.

"What's this?" Malamig na tanong ni Ice.

Ice. Icelon Ethan  Smith. Ice ang tawag namin sa kanya. Dahil siguro sa ugali niya? Hindi ko rin kasi siya maintindihan ehh. Masyadong misteryoso.

"Marriage Booth." Kalmadong sabi ni Kuyang 3rd year at hinila na kaming dalawa.

Nagpatianod na lang ako hanggang sa makarating kami sa Marriage Booth..

Nilagyan ako ng veil at nagsimula na ang seremonyas nila. Hindi ko naman sineryoso pero mukhang si Ice seryoso siya.

"I thank God for giving me a perfect gift, that's you. Please take this ring as a sign of my love and faithfulness. Forever is not enough to spend my whole life with you." Sabi niya sabay titig sa'kin na parang binabasa niya kung anong iniisip ko.

Iniba niya yata yung vow? Para kasing yun talaga ang mga salitang gusto niyang sabihin. Ay ewan!

"Take this ring as a sign of my love and faithfulness. Until death do us part." Sabi ko sabay lagay sa kanya ng singsing.

Naset-up kami panigurado. Halatang ang barkada ang gumawa. Adik talaga.

"You may now kiss the bride." Sabi ng kunwaring pari sa booth..

Tiningnan niya ko sa mata.. Yung mga kulay blue at gray na mata niya parang binabasa ang mga mata ko, sinusuri..

Unti-unti niyang linapit ang mukha niya at mabilis niya kong hinalikan...

Sa labi..

Nagulat ako..

Napatingin ako sa kanya..

Kumantyaw naman ang mga kaibigan namin.. Sigurado akong masaya sila dahil una pa lang, plinano ma nila ito.

Pagkatapos nung "Nakakakilig Scene" DAW namin ni Ice, pumunta lang ako sa classroom at nagmukmok..

Hindi ko alam kung ano na talaga ang meron samin ni Ice.. May kakaibang feeling ako kapag nandiyan siya, bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi na siya mawawala sa isip ko..

Mahal ko na ba siya?

Hindi ko rin alam.

Pero kung mahal ko na nga siya, mahal niya rin kaya ako?

A/N:

Very short update. Hehe.

Read. Comment. Share. Be a fan.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon