Wizard's Tale 3: Chapter 3

126K 3.3K 437
                                    


(Author's POV)


Sa kabila ng papaubos na health points ni Eron, nagawa pa rin niyang ituro sa mga kasama ang pinuntahan nina Yana at Kerria. "Sigurado ka ba rito?"

"Lumaki ako sa gubat kaya siguradong-sigurado ako. Sundan niyo lang ang direksyon na 'yun." At dahil alam niyang anytime ay mae-eliminate na siya, binigyan niya muna ng warning ang kanyang mga kasama. "Kilala ko si Kerria bilang isang kapwa ko Terrashaw. Sinadya nilang mag-iwan ng tracks para sundan natin sila. Paniguradong may naghihintay na surpresa sa inyo kapag nahanap niyo na sila kaya mag-iingat kayo."

And that was Eron's last words. Nang tuluyan nang nag-zero ang HP niya ay napadpad na siya sa safe zone upang gamutin.

Panandaliang napaisip ang kanilang grupo. "Ang bilis ng mga pangyayari. Natalo agad siya ni Princess Love nang ganun lang."

"Ibig lang sabihin, hindi na siya basta-bastang kalaban."

"Mas lamang pa rin tayo sa experience!" Hindi naman pinanghihinaan ng loob si Lyria. "Let's win this thing!"

Muli silang nagpatuloy sa direksyon na itinuro ni Eron hanggang sa marating na nga nila ang kuta ng kalaban nila. Ngunit bago pa man sila makatapak sa lugar na iyon...

"Sandali Sylfer!" Pinigilan ni Lyria si Sylfer sa paglalakad dahil may napansin ito. "May trap dyan kaya 'wag mong aapakan!"

Nakaiwas si Sylfer at ang buong grupo nila sa tiyak na kapahamakan. Nang suriin nila 'yung trap, may napansin sila na labis naman nilang ikinagulat. "This trap was triggered a while ago. And...they were able to stop it," pag-aanalisa ni Lyria. "They altered it but it's still working."

"An altered trap?"

"Siguro gagamitin nila bilang signal sa pagdating natin. Buti na lang hindi mo naapakan."

Dahil sa nalaman nila, mas lalo lang silang napabilib kay Yana. Walang ibang nasabi si Sylfer kundi, "Naisip nilang gamitin ang trap na ito for their own gain. What a clever Princess!"

"And a great strategist too!" dagdag naman ni Lyria.

Si Prince Rouel naman na kanina pa tahimik ay unti-unti nang binabagabag ng kanyang isipan. "Pinaghandaan nga talaga niya ito. Pinahihirapan talaga ako ng Prinsesa..."


* * *


Samantala, tanaw na tanaw na ni Yana ang mga kalaban nila. Nasa taas siya ng isang puno at nag-aabang ng tamang tyempo. Magkahiwalay sila ni Kerria ngayon ayon na rin sa kanilang plano. Nagmamasid lang din iyon at naghahanda sa pwedeng mangyari.

"Tulad ng inaasahan ko, iniwasan nga nila 'yung trap. Mabuti naman."

Nagpatuloy na sa paglalakad ang Prinsipe at ang mga kasama niya. Unti-unti na ring lumalapit ang pagkakataong hinihintay ni Yana. Itinutok na niya ang pana sa kanilang mga kalaban. She needs to focus and be precise dahil kapag tinira na niya ang mga ito, malalaman na ng mga kalaban ang eksaktong lokasyon niya. Walang lugar para sa maliit na pagkakamali.

"Kaunti pa... Maglakad pa kayo nang kaunti..."

Her opponents made another step. And now she got a clear aim. Hindi na nagdalawang-isip pa si Yana at tinira na niya ang mga ito gamit ang kanyang palaso.

Ngunit ramdam na pala ng mga kalaban niya ang kanyang pag-atake. Nakaiwas silang lahat at ngayon ay tukoy na nila ang eksakto niyang kinaroroonan.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon