[46] Of Realizations and Date Invitations

Start from the beginning
                                    

Hindi lang basta e-mails ang pinadala niya sa 'kin. Everyday may attached na 24 second video sa updates niya. According to him, kumukuha siya ng one second video every hour of the day at kinocompile niya. In fairness, kahit saglit lang ang videos na pinapadala niya sa 'kin, feeling ko nasa China na rin ako. At ang effort din niya sa pagkuha ng videos ha, lahat may sunrise and sunset. May bonus pang selfie shots niya na sobrang funny na pwedeng ipangblackmail sa kanya in the future.

(One takeaway from those videos: ang cute niyang mag-Mandarin. Obvious na nabubulol na siya pero kinikeri na lang niya. Magiging proud si Mars nito!)

His last e-mail update came a bit early, though. Usually kasi mga 1am ko narereceive ang updates niya, kaso yung huli, mga 11pm na. And instead of 24 seconds, full minute na video ang sinend niya sa 'kin. Puro mukha lang niya ang nasa video.. and shit, I miss him. Nakalimutan na naman niyang mag-ahit, though.

Ang last 10 seconds ng video niya ang pinakatumatak sa 'kin sa lahat.

So.. I'm coming home tomorrow, Zades. See you. Goodnight, Zades.

Those words hit me hard. Makikita ko na ulit siya bukas. Si Andreau. Simula bukas.. makakasama ko na ulit siya. It won't be the same anymore.. for me, at least. Hindi naman siguro ako madudulas, 'di ba? At si Andreau 'to, bakit ako kakabahan? He's my best friend.. so nothing bad will happen. Mag-iingat na lang ako sa pagsasalita ko. Ayokong masira ng isang spontaneous confession ang lahat ng 'to.

But damn, those videos really made me miss him more. I'm sure ang dami niyang baon na kwento from his trip, and I'm very excited to hear all of them. Kahit ilang oras pa siyang magkwento, okay lang. Well, tatagal ako ng tatlong oras kung may pasalubong siya sa 'king chocolates o kahit anong memorabilia. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako napasaya ng mga kwento sa 'kin ni Andreau. Maloloka siguro ang Pre-Andreau!Zade sa Present!Zade pag nalaman niya kung gaano kami kaclose ngayon, the brain sex levelz ba. Who would've thought na aabot ako sa ganito, right? The unreachable and impossible became possible. At sa dami ng tao rito sa mundo, ako pa talaga. Hah, ganda ko talaga!

So.. yeah. I'm seeing Andreau tomorrow. Sana kayanin ng puso ko 'to.

***

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang dumating na ang Friday.

Babalik na kasi si Andreau galing China mamayang hapon.. at makikita ko na siya.

Okay, isipin ko pa lang na makikita ko ulit siya medyo kinakabahan na ako. Hello, baka magmukha akong timang sa harapan niya! Imbes na Hello Andreau, welcome back! ang masabi ko, baka salubungin ko siya ng Hi Andreau I love you. Baka kumaripas ng takbo palayo sa 'kin 'yon or worse, tawanan ako. (Teka masakit 'yon ah. Pero most likely tatawanan niya ako. That guy!)

Wala akong klase the whole day, so kasama kong tumambay si Kesh sa dorm buong umaga. Afternoon classes kasi ang kinuha niya since tanghali ang shift niya sa cafe. Habang nagmumuni-muni ako sa life choices ko, busy naman ang roommate ko sa pagtutupi ng labada naming dalawa. It was her turn to do that now, much to her dismay. Aba, halos tatlong buwan akong nagplantsa at nagtupi ng mga damit namin! Hindi niya ako yaya FYI!

Nasa kalagitnaan ako ng pagcocondition sa sarili ko na Hello Andreau welcome back ang dapat sabihin mamayang hapon, inistorbo ako ni Kesh. I ignored her at first, akala ko kasi aasarin lang niya ako dahil sa pagtulala ko sa kisame.

"Hoy Zades!" binato niya ako ng sausage panty ko na sumapul sa mukha ko. "Kinakausap kita! Okay ka lang ba?"

"Ugh! Ba't mo ba binabato ang panty ko!?"

"Kanina pa kita tinatawag pero deadma ka!"

"Anong meron ba?" I finally sat up straight and faced her. Ugh, masakit pala sa leeg ang pagtulala sa kisame ha! "Nagmemeditate ako!"

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now