Agad akong napalingon sa kanya na may seryosong mukha. Siya naman ay nakangiti lang pero bakit ang weird pakinggan ng isang to. Agad naman akong napailing at hinampas na lang siya sa braso para hindi ganoon ka awkward and atmosphere.

"Asuuus, ikaw ha! Nagseselos ka na. " pilit kong tawa sabay hampas ulit.

"Who wouldn't right?"

Bigla akong napatigil sa pagtawa at nakatungangang nakatingin kay Ion. Ay ano raw? Joke ba yun? Pero bakit parang ang seryoso niya? Tapos ni hindi nga siya tumatawa---

"Pffft, Nine grabe ang epic ng reaction mo." Sabi ni Ion sabay tawa.

Agad naman akong ngumiwi at umirap. Walang hiya, sabi ko na nga ba pinagti-tripan nanaman ako nito eh. Sarap batukan! Bully talaga forever ng kaibigan ko.

"Aish, bwisit---"

"I told you, Pierre. I had enough of your games. This relationship is not even serious from the first place so why bother give it a chance?" Biglang sigaw ni Aryesa.

Agad naman kaming napatahimik ni Ion at sumilip sa nagaganap na drama. Getting Her Back, episode 3.

"This would be a disaster." Bulong ni Ion.

"All this time you're just playing games?" Monotone na tanong ni Pierre.

Oh my gosh, literal na Let Out the Beast ang peg ni Pierre ngayon.

Agad yumuko si Aryesa at dahan dahang tumango.

"I'm sorry." Sabi ni Aryesa at mabilis na lumabas ng gym.

Strike 3. Basted again.

"Nine, dali puntahan mo!" Bulong ni Ion at agad akong tinulak tulak.

Napaturo ako sa sarili ko? Ako? Ay teka---

"Ikaw yung kaibigan!" Bulong ko pabalik.

"Ee, sa hindi ako marunong magcomfort. Dali na!" Sabi niya sabay tulak ulit sa akin. "Alis na ako ha, ikaw na bahala!"

Aangal pa sana ako pero bigla na lang kumaripas ng takbo si Ion palabas ng gym. Ay naku, siya na talaga ang the best.

Nilingon ko naman agad si Pierre at agad nagulat nang nasa may dingding na siya ng gym at agad pinagsusuntok ito. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad akong tumakbo at pinigilan siya.

"Teka master! Masakit yan!" Sigaw ko sabay pigil sa braso niya.

Agad niya naman akong tinulak kaya medyo na out of balance ako at napaupo sa sakit.

Hindi ko ito ininda ng makita kong patuloy lang pa rin si Pierre sa pagsuntok sa dingding habang nagmumura.

Awang-awa ako kay Pierre ngayong dahil hindi ko akalaing masyadong malaki ang epekto ni Aryesa sa kanya. Grabe, first time kong makitang ganito si Pierre. Yung akala ko ang heartless heartless na niya dahil wala siyang pake sa iba, pero pagdating pala sa mga taong mahal niya. Bigla na lang lumalabot ang puso ng demonyong ito.

Ibang Pierre Andrew Montereal talaga ang nakikita ko ngayon.

"Pierre! Tama na yan, please." Sigaw ko at sinubukan ulit na pigilan siya.

"Damn it, leave me alone!" Galit niyang sigaw at tinulak ulit ako.

Napaatras ako sa ginawa niya. Nang nilingon ko ulit siya ay nagulat ako nang makita sa puting dingding ng gym ang nagkakaroon na ng kulay pula.

Takte! Dumudugo na ang kamay ni Pierre!

Hindi naman sa hindi ko pa nakitang dumugo ang kamay niya pero to the point na dumugo dahil hindi na siya kayang tanggapin ni Aryesa?

The Heartless GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon