[39] No More

29.1K 1.7K 329
                                    




~*~

No More

~*~

Napatingin ako sa banner na pinagawa ko. Hmmm, not bad. Actually, ang cute kaya atyaka alam niyo bang si Pierre ang nagdesign nito? Very shocking but true.

"Please be my girl, again? Wow, ang korny." Natatawang sabi ni Ion.

Agad ko naman siyang binatukan. Wala na lang ginawa tong kaibigan ko at puros kumento na korny raw yung banner pati nga yung mga petal roses sa floor pati yung nakakalat na balloons.

"Suportahan mo na lang kasi yung kaibigan mo." Sabi ko.

Humalukipkip naman siya at tumango tango.

"Hmmm, sabagay mukhang seryoso talaga siya kay Aryesa eh." Ani niya.

Lumingon naman ako sa kanya at tumango tango. Seryoso talaga! Eh sino ba nga naman ang mageffort ng ganito para sa minamahal niya diba?

Pero teka nga?

Anong effort yung sinasabi ko?

Ako ang nagpa-print ng tarp.

Ako yung lumuhod sa harap ng gym teacher namin para humingi ng permiso para makagamit ng gym.

Ako yung nag pump ng lahat ng balloons.

Ako yung nagkalat ng flower petals sa sahig.

Ako at si Ion yung nagkabit ng tarp.

SAAN ANG EFFORT NI MONTEREAL DUON?!

"I didn't know you were this creative."

Kunot noo kong nilingon ang demonyo kong master na may dalang bouquet of roses. Ngumiwi lang ako, kung hindi lang talaga ako mabait kanina ko pa sinabutahe ang plan niya eh! Ka bwisit, ni salamt di niya magawang sabihin.

Ika tatlong subok na namin ito ni master. Ewan ko ba pero parang wala na talagang pag-asa eh. Purose basted na, nakakatakot na nga eh! Kasi mas lalong nagliliyab sa pagiging demonyo si master kapag nababasted siya. Nakakaiyak nga eh, dahil nakakatakot.

"Of corse, si Nine na yan eh." Sabi ni Ion at umakbay sa akin.

"Tss." kumento ni Pierre.

Tinignan ko naman siya ng may nakakalokong ngiti sabay pakita ng approve sign sa kanya.

"Ano? Maganda ba? Ito na ba ang daan para maging kayo ulit ni Aryesa?" tanong ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at tinaas ang kilay niya.

"Whatever." ani niya at tumalikod sa akin.

Ngumiwi naman ako. Kainis to, hindi talaga marunong magcompliment ang demonyong to!

Agad namang sumenyas si Ion na papunta na raw si Aryesa kaya agad akong kinaladkad ni Ion sa isang sulok kung saan hindi kami makitang dalawa.

Nakita ko naman ang pagpasok at pagkagulat ni Aryesa sa nakita niya, oh em gee! Kontng push na lang magkakabalikan na sila mwahahaha.

"You know I missed our closeness right?" Biglang seryosong sabi ni Ion.

Agad akong napalingon kay Ion pero agad napaiwas ng tingin nang masyadong malapit ang agwat ng mukha namin. Grabe sa lagay na ito hindi pa ako nahihimatay sa kagwapuhan nila pag masyadong HD itong nakalapit sa mukha ko, wow achievement.

"Close pa naman tayo eh, yung nga lang may Black List ka na." Kunware kong pagtampo.

"And you have Ezekiel."

The Heartless GangstersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora