Chapter 26

9K 123 2
                                    

Chapter 26

After a week ay nakalabas na rin ng hospital si Shane. Lumipat na ulit ng bahay ang mama ni Shane para alagaan siya. Si Gheys naman ay sa bahay na muna nila tumutuloy ngayon after school para alagaan din si Shane. Ang barkada rin ilang beses ng dumalaw at dinadala yung mga note na kailangan ni Shane para makahabol sa mga lessons.

"Babe masyado mo na akong nai-spoil niyan. Kaya ko namang subuan ang sarili ko eh." sabi ni Shane na natatawa.

"Gusto ko itong ginagawa ko. Basta kain ka lang." sabi naman ni Gheys.

"Bakit kaya ang daming langgam dito." sabat naman ng mama ni Shane.

"Ayan inaasar na tayo ni mama. Haha. Pwede na nga akong pumasok bukas."

"Tita papasok na daw siya bukas?"

"Oo pwede na nga daw sabi ng doctor."

"Kala ko pinilit mo lang si tita. Ihahatod kita bukas."

"Okay boss!" sagot ni Shane sabay saludo kay Gheys.

Hindi pa rin totally gumagaling ang mga sugat ni Shane pero kahit paano ay okay na siya. Ang hindi lang matanggap ni Gheys ay yung tuwing gabi ay magigising siya dahil sa pagiyak o sigaw ni Shane. Napapaginipan pa rin kasi niya ang mga mangyari.

Si Jasmine naman ay pinadala ng parents niya sa province ng papa niya. Hindi na sila nagsampa ng kaso sabi na rin ni Shane. Lalo lang daw kasing magiging obsess si Jasmine sa isang tao o bagay kapag ikinulong siya. Dahil naman sa guilt at pasasalamat na rin ng family ni Jasmine sila na ang sumagot sa hospital bills at mga gamot na kailangan ni Shane. Kung anu-anong bagay din ang pinapadala nila sa bahay nila Shane.

Nakabalik na nga si Shane sa school. Todo bantay naman si Gheys sa kanya. Hindi siya papayag na aalis ng campus si Shane magisa. Lagong hatid sundo. Hindi naman nagrereklamo si Shane dahil alam niyang para sa kanya rin iyon.

After few months Gheys and Shane graduated at parehas ding nakamasa sa licensure exams. They stick together and still strong. Nakapagtrabaho naman silang dalawa agad.

"Hello babe! Sweldo ngayon ah. Libre mo ako?" sabi ni Shane.

"Sure babe. Saan mo gusto?"

"Kahit saan basta kasama kita."

"Asus. Lika kain tayo."

And they went to a restaurant. Sa totoo lang umaga pa lang ay naiinis na si Gheys. Anniversary nila ngayon pero itong si Shane walang binabanggit sa kanya. Nakalimutan na ata. So she just decided na siya na lang ang babati kay Shane at magbibigay ng gift.

Pag-upo nila sa table lumapit yung waiter at kinuha ang order nila. After nilang makaorder ay naging busy naman si Shane sa phone dahil may tumawag. Nainis lang lalo si Gheys dahil hindi na niya naibigay yung regalo niya.

Few moments had passed and their order's where served. Before they ate may binigay si Shanw kay Gheys.

"Ano ito?"

"Buksan mo." sabi ni Shane na nakangiti.

Gheys opened the small box and she saw a ring.

"Anong gagawin ko dito?" naiinis na sagot ni Gheys kunwari kahot may idea na siya.

"Baka yan ang kakainin mo babe." pilosopong sagot ni Shane.

"Baliw." at binalik ni Gheys ang box kay Shane.

"Gheys Castro will you be my partner for the rest of my life?"

Hindi naman nakasagot agad si Gheys. Akala niya goft lang iyon. Hindi niya inasahang magpopropose si Shane sa kanya.

"Ahh babe... Ano?"

"Of course! I will be your partner forever."

They both stood and hugged each other.

"I love you so much."

"I love you too. I also have a gift for you." inabot ni Gheys ang isang malaking box.

Tinanggal ni Shane yung wrapper and it was a handmade scrapbook. Pictures nila ni Gheys ang laman but mostly hers. Yung mata niya na nakapikit habang natutulog at kung anu-ano pang post.

"Wow... Best gift ever. Thanks babe."

After they ate si Shane na rin yung nagbayad sa resto kahit sinabi niyang ilibre siya ni Gheys. Umuwi na sila at ibinalita sa mama ni Shane na engaged na sila.

Kinabukasan naman ay nagpunta sila sa bahay nila Gheys para doon naman ibalita ang tungkol sa kanila.

Masayang masaya ang lahat ng tao para sa kanilang dalawa.

After a year they decided to have a beach wedding. They invited their close friends. Pati si Yuan na napatawad na nila ay nadoon din.

When they said their vows everyone were in tears. Napakaheart felt ng bawat salita na binitawan ng isa't isa.

"Gheys Castro I will never get tired of waking beside you for the rest of my life. I will never get tired of loving you. I will never leave your side. I will love you for the rest of my life. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko. Ikaw ang gusto kong maging partner ko na magpapalaki ng mga anak natin. At hindi pa rin ang magsasawa sayo kahit may apo na tayo at wala ka ng ngipin at puro puti na ang mga buhok mo."

"Shane Hernandez I will spend the rest of my life with you. Kahit sa 90th birthday mo ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa mata ko. Hindi ko maimagine ang buhay ko kung hindi ikaw ang kasama ko."

And before the day ended they are partners in life.

--After 5 years--

Both of them went to Canada. Doon na sila tumira at nagtrabaho. Madalas pa rin silang makipagcommunicate sa family at friends na naiwan sa Pilipinas. They both decided na magiipon lang sila at magpapatayo ng sariling bahay at babalik na sa Pilipinas. But before they went back they did what they both wanted.

End of chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon