Chapter 9

14.8K 159 1
                                    

Shane's POV.

This is indeed the happiest day of my life! I can't even stop from smiling since umalis ako sa dorm ni Gheys. How can it be possible na si Gheys ay si Brown eyes? Is it really true na nakilala ko siya in person? Is it really planned na magkita kaming dalawa? At humiga ako sa tabi niya! Hindi naman ako ganoon kabilis na maging close sa isang tao. Sobrang daming tanong sa isip ko. Pero ayoko na silang problemahin. Ang mahalaga masaya ako.

I invited her to come over to my house this coming saturday and I can't wait. Buti na lang pumayag siya.

Maraming beses ko siya nakitang nakatitig lang sakin. Ano naman kayang ibig sabihin ng mga titig niyang yun? Parang hindi siya makapaniwala na nandun ako at kasama siya. Tapos yung bed niya ang sarap higaan. Hindi dahil malabot yun pero the feeling na I was meant to be there. To lay there by her side. My heart beats gazillion times nung tumabi na siya sakin. Kakahiya lang nakatulog ako. Pero nung nagising na ako akala niya I'm still sleeping. But I can feel that she is looking at me again. Parang pakiramdam ko nga kulang na lang sabihin niya na she got her eyes only for me. Kinikilig talaga ako.

Nakatulog ako with her in my mind.

The next day ayun na pasok nanaman sa school. At dahil I'm feeling happy nauna akong nagising kay mama. Nagluto na ako ng almusal namin at nagbukas ng tindahan. Sabi ni mama may miracle daw na nangyari dahil sa nauna akong nagising sa kanya.

After preparing for school umalis na ako ng bahay. I texted Gheys. Instead na magreply tumawag si Gheys and we agreed to meet ulet after school. Ayun boses pa lang niya buo na ang araw ko.

Pagdating ko sa school binati ako agad ng barkada.

"Uy Shane there is something about you. Ang ganda ata ng araw mo. Todo smile ka ngayon ah." sabi ni Joc.

"Kasi inpired may kameet ba naman yan kahapon eh. Kwento ka na." sabi naman ni Jovs.

While waiting for our professor nasabi ko sa kanila na yung si brown eyes ay totoong tao at iisa sila nung nakatextmate ko na si Gheys. At first hindi sila makapaniwala. Same reaction that I had pero sabi ko naman na siya talaga yung sa dream ko. Pero I explained to them na hindi ako pwedeng makamali. Sa ilang months ba naman na napapanaginipan ko siya hindi ko pa maaalala yung itsura niya.

"Wow! Lumelevel up na yang story niyo ni brown eyes este Gheys pala. Nung una sa dream lang ngayon in person na. Ano kaya ang next?" sabi ni Jovs.

Napaisip ako. Kung ako ang tatanungin I think I'm in love to Gheys sa dream pa lang. "Tignan natin sa susunod na chapters ng MMK naming dalawa. Haha!" sagot ko naman.

Pakiramdam ko ang bagal ng araw. Ang tagal bago kami umuwi. Gusto ko na kasing nakita ulit si Gheys. In between my vacant hours tumatawag siya at nagkakausap naman kami. Masaya na sana kaasar lang kanina pa ako inaasar ng barkada eh. Pero kilala ko naman kasi sila kaya okay lang.

Papunta na sana ako sa main campus pero hinabol ako nung editor namin sa gazette. May meeting daw kame para sa distribution of work. Akala ko makikita ko na si Gheys agad pero kailangan kong mag attend eh. So pinauna ko na ang barkada. Nagtext muna ako kay Gheys and we agreed na sa dorm na lang niya ako didiretso.

After an hour nakarating na ako sa dorm niya. May kasama pala siya. Best friend niya daw at gusto niyang makilala ko yun.

Honestly I am a little bit disappointed akala ko kasi kaming dalawa lang. Pero okay lang naman din at least nakilala ko na yung best friend na ikinukwento niya sakin.

But I had this feeling the entire time na nasa dorm ako ni Gheys. Parang ayaw sakin ni Yuan but she showed pleased to meet me. Ayaw niya ba akong friend ni Gheys? Baka imagination ko lang. Nauna na ako umuwi at naiwan pa si Yuan sa dorm ni Gheys.

On my way home biglang tumunog yung phone ko. Si Gheys pala. Nasa other line lang siya. Sabi niya para daw ihahatid niya ako even wala siya physically. Nagtatanong siya palagi kung nakauwi na ako. Haha e after 10 years at maraming alikabok pa bago ako makauwi.

Finally nasa bahay na ako. Nagpaalam na ako sa kanya at madami pa din akong gagawin sa bahay.

End of chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon