Chapter 4

16.3K 162 1
                                    

Chapter 4

"I know her name." sabi ko habang busy sa pagkain.

"Paano mo nalaman? Nagpahula ka ba kay madam Auring?" sagot ni Yuan na hindi na pinapansin yung food niya.

"Malamang sa dream. I said her name. Tapos from the reaction I saw from her yun nga pangalan niya."

"Wow! Lumelevel up na yang kwento niyong dalawa ha. Anong pangalan niya?"

"Shane." maikli kong sagot.

"So the question nga e paano mo nalaman?" makulit na dagdag ni Yuan.

"Ewan ko nga. It just came to me na yun ang name niya. I really don't have any idea how I knew it." mahaba kong paliwanag. Ito talagang si Yuan daig pa ang CSI makapag tanong.

Pati rin naman sa akin malaking palaisipan kung paano ko nalaman ang pangalan niya.

After namin kumain nagyaya muna sila maglakad-lakad para naman bumaba yung sangkaterbang kinain nila. Naglalakad na kami papuntang gadget station ng bigla akong kinabahan sa nakita ko.

Si dad may kargang bata. Mga 8 years old na siguro yun dahil malaki na. Tapos may kasunod sila na babae.

"Hoy Gheys para kang nakakita ng multo! Mamumutla ka oh." biglang sabi ni Yuan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si papa yun and worst is may kasama siyang ibang babae at bata. Imposibleng hindi niya kilala yung babae dahil naghawak kamay pa sila. Buti na lang hindi niya ako nakita.

"Wala bigla lang sumama yung pakiramdam ko. Una na akong uwi sa inyo ha. Baka hindi na din ako makapasok." sabi ko kay Yuan at sabay alis sa mall.

Hindi ko na sila hinintay dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Si papa yun. May kasamang iba. Sumakay na ako sa unang tricycle na nakita ko at umuwi sa dorm.

Pagdating sa dorm doon ko ibinuhos lahat ng iyak ko. Ang sakit sa dibdib. Yung masasayang moments namin nila mama ang naisip ko. Paano nagawa ni papa yun sa amin? Paano na ang family ko? Ayokong lumaki ang kapatid ko na broken family kami. At si mama paano niyang iha-handle ang sitwasyon na ito?

Hindi ko malaman ang gagawin. Sa kakaiyak hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Buti na lang at hindi ako dinalaw ni Shane sa panaginip. I can't handle another emotion na makakapagpagulo lang sa isipan ko lalo.

Tulala lang ako. I want to scream. I want to go home and confront my dad. Pero alam kong gugulo lang lalo ang sitwasyon namin. Nakatulala lang ako. Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Gusto ko sanang kausapin si Yuan pero I know she has a problem of her own. I don't want to be a burden to anyone.

Ang tagal ko pala nakatulog. Almost 10pm na. Hindi ako nakaramdam ng gutom. Ngayon kapag pumipikit ako parang nakikita ko parin yung sa mall. Naiiyak nanaman ako. Wala akong mapagsabihan kung gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon.

Then I picked up my phone. Maraming text at missed calls si Yuan. I really wanted to talk to her. But then I thought of something else.

End of chapter

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon