"Wala tayong paguusapan dahil wala akong balak na ibigay sa iyo si Shane! Pakawalan mo na siya!"

Napansin kong nagsisimula ng lumabas ang mga tao sa bahay nila.

"Matigas din ang ulo mo. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"

At narinig kong sumigaw si Shane. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang aatakihin ako sa sobrang bilis. Puro luha na rin ang mata ko dahil hindi ko alam kung anong ginawa niya sa mahal ko. Tumakbo ako papunta sa pintuan at kinalampag iyon.

"Babe!" sigaw ulit ni Shane.

I know she was in pain. At naramdaman kong nasa likod ko na ang parents ni Jasmine. They tried to open the door using their key pero nakadouble lock iyon mula sa loob.

"Jasmine anak si mama ito. Itigil mo na iyan anak. Ibalik mo na si Shane." pakiusap ng mama niya.

"Ma! Anong ginagawa mo dito? Gheys!!! Ikaw ang may kasalanan nito!"

At lalo lang lumakas yung sigaw ni Shane mula sa loob. Sa bawat sigaw ni Shane parang isang paghinga din ang nawawala sa akin. Tumulong na ang mga taong nakatira sa malapit. Sinira nila ang pinto at dali dali akong tumakbo papasok. Hinawakan ng taong bayan si Jasmine na may hawak ng kutsilyo. Nang makita ko inilabas nila si Jasmine mula sa isang room pakiramdam ko huminto sa pagtibok ang puso ko. I saw blood in her hands and clothes.

Tinakbo ko ang room at nakitang makahiga si Shane habang nakatali at puro dugo din.

"Babe I'm here. Please wake up. Don't you dare leave me." sabi ko habang umiiyak.

"Hmm...babe." yun lang ang nasabi niya at pumikit na ulit si Shane.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko dahil natanggal ko ang tali ni Shane at nabuhat siya papunta sa sasakyang gamit ko. Sinugod ko agad siya sa malapit na hospital at tinawagan si tita para ipaalam ang nangyari kay Shane.

While waiting sa labas ng ER hindi ako mapakali dahil hindi pa lumalabas yung doctor. Pakiramdam ko taon na ang nakalipas pero 30 minutes pa lang simula ng ipasok si Shane sa loob.

Dumating na rin si tita kasama ang ate ni Shane. Ipinaliwanag ko ang lahat ng nangyari sa kanila. Sama sama kaming naghintay sa labas ni ER ng sa wakas lumabas na din ang doctor.

"Family po ni Shane Hernandez?"

"Kami po."

"Marami pong nawalang dugo sa kanya kaya kinailangan namin siyang salinan. Nothing to worry na po. She is stable. The nurses will transfer her in a regular room ni few moments."

"Salamat po Doc."

Then yung mga nurse ay lumabas na at tulak ang hospital bed kung saan nakahiga si Shane na tulog.

Nakalipat na rin kami sa room ni Shane. May saksak siya sa kaliwang tagiliran at may laslas yung kanang kamay niya. Tapos may sugat sa pisngi. Buti na lang hindi iyon malalim. Hindi ako makahinga sa nakita ko at bigla na lang nanlabo ang paligid.

"Anak buti naman gising ka na." sabi ni tita.

"Ano pong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay."

"Si Shane po? Kamusta na?"

"Tulog pa rin siya. Sabi ng doctor mga bukas pa siguro siya magigising dahil mataas yung dose ng tinurok na gamot sa kanya eh. Uwi ka muna. Kami muna ang magbabantay kailangan mo rin magpahinga. Wag kang magalala walang mangyayari sa kanya at kapag nagising siya tatawag ako agad sa iyo."

Ayoko sanang umalis pero napilitan na rin ako. I need to take a long shower. Nasa damit ko pa rin yung dugo ni Shane at kapag nakikita ko ito lalo akong mahihilo.

Umuwi na ako sa dorm at naligo. Tinawagan ko sila mama at sinabi ang nangyari kay Shane. Sabi nila pupunta sila ngayon sa hospital.

I packed some clothes para sa hospital na lang ako at hindi na iwan si Shane. After noon pumunta muna ako sa car wash para ipalinis ang kotse para maibalik ko na.

Nang makarating ako sa hospital sakto namang dumating sila mama. Umiyak lang ako ng umiyak kay mama. Sobrang natatakot pa rin ako para kay Shane.

Nagkausap na rin sila mama at si tita. At nagpaalam na sila mama na aalis na. Pinauwi ko na rin si tita dahil kagabi pa sila sa hospital ni ate. Pumayag naman sila at ako na ang naiwang magbabantay kay Shane.

Nakaidlip ako sa tabi ni Shane ng maramdaman ko na gumalaw ang kamay niya. Nagangat ako agad ng ulo at nakita kong gising na siya.

"How's my baby?"

Nagsmile lang siya tapos napalitan yung smile niya ng pain kasi gumalaw yung part ng face niya na may sugat. Mapapatay ko talaga si Jasmine kapag nakita ko siya sabi ko sa isip ko.

"Anong gusto mo?" sabi ko habang hawak ko yung kamay niya.

"Water."

Pinainom ko siya ng tubig. After niyang uminom she told me na humiga ka tabi niya.

"Babe baka masagi ko yung mga sukat mo." sabi ko pero sa totoo lang I want to lay beside her and hug her so tight para hindi na siya makuha ng iba.

"No. Please higa ka sa tabi ko?"

Pinagbigyan ko na siya at humiga sa tabi niya. Pero I am such a careless talaga dahil nasagi ko yung sugat niya. Nakita kong napangiwi siya sa sakit.

"Ayan sabi kasi eh."

"Just kiss me will you?" sabi niyang parang naiirita.

I kissed her sa lips. Okay lang naman since private naman yung room niya. All expense paid ng family ni Jasmine. Bumganon din ako agad dahil nakita kong nahihirapan siya. Sinabi ko na lang na bawal.

End of Chapter.

Unusual Dream (lesbian love sex)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum