240

1.1K 8 0
                                    


  Sa isang relasyon makakaranas ka ng isang roller coaster ride dahil hindi pwedeng palaging masaya at hindi pwedeng palaging puro lungkot. Oo, darating ang panahon na mag-aaway kayo ng sobra. Na magsasarado ang mga isip. Na feeling niyo napapagod na kayo. Pero, palaging ninyong tatandaan na hwag kayong magdesisyon kapag galit. Sa relasyon, kailangang nagbibigayan kayo at umiintindi kayo sa isa't isa. Tanggap niyo ang kabiyak ninyo at ganon din siya. Hindi rin dapat na palagi tayong nagdedemand na gawin niya ito gawin niya ang mga yon kasi papaano kung hanggang dun nalang talaga ang makakaya niya? Hindi mawawala ang mga pagsubok kahit naman sa buhay natin. Pero kapalit ng mga paghihirap na dulot ng nakaraan, panigurado napakalaki ng kapalit na kasiyahan nito. Dahil nakayanan ninyong dalawa. Hindi kayo sumuko. Sabay kayong lumaban. Sabay kayong natuwa.  

Tagalog QuotesWhere stories live. Discover now