206

1.6K 15 0
                                    

Mabuting Kaibigan

Maituturing mong mabuting kaibigan ang isang tao kung ito ay nasa piling mo. Through good times and bad times. ‘Yung pagkakaibigan niyong hindi basta-basta masisira ng mga pangkababawang kadahilanan gaya ng hindi pagpapakopya sa exam, paghampas ng bongga, at tampuhan. ‘Yung taong kayang sabihin sayo na meron kang muta, may nakadungaw na kulangat o umaalingawngaw na ang anghit mo sa kilik-kili. Ito ‘yung kaibigan mong tapat at totoo na kahit makakasakit ito sayo ay sasabihin niya para sa ikakabuti mo. Siya ‘yung magbibigay sa iyo ng payo at dadamayan ka ng walang halong kaechosan.

Tagalog QuotesWhere stories live. Discover now