238

881 11 1
                                    

**Kanina sa grocery**
Me: Ito hong bayad.
Cashier: *bilang* *nakita yung lumang isandaang papel*
Ay Miss. Hindi na ito pwede. Lumang pera na kasi itong naibigay ninyo.

Sinubukan kong makiusap. Dahil barya nalang na pamasahe ang natira sa wallet ko. Muli kong inabot ang kamay ko.
Nagbabakasakali.
Kaso .....
Hindi na daw pwede.

Ang totoo nyan,
Alam ko namang hindi na talaga pwede.
Pero ano bang masama sa pagbabakasakali?
Oo luma.. Lipas na ang halaga, pero naging importante naman dati..
Yun lang naman ang kaya kong ipagyabang. Yung dating halaga.
Pero tapos na yun eh.
Yung "NGAYON" na ang mas mahalaga. Kaso ang problema, wala ka na. Wala na yung dating importansya. Lipas na. Laos na.
Yung BAGO na ang titingnan nila.

Tapos paglipas ng maraming taon babalik sila.
Kung kailan okay kana at hindi na gaya ng panahong nagdaan.
Kasi alam nila na sa panahon na yun, mas mataas na ang iyong halaga. Nagbalik na ang halaga at importansya na minsan na nilang binalewala.


Tagalog QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon