Ano Na Ba Talaga Ako?

23.3K 309 47
                                    

Ewan ko ba pero nasisiyahan ako sa tuwing naamoy ko ang dugo niya.

----------------------------------------------------------

"Lola! Lola wag niyo po kaming iwan ni Nanay! Lola!" Umiiyak na sigaw ko habang niyuyogyog ang Lola.

"Anak tama na. Pagpahingahin mo na ang Lola mo." Awat ni Nanay sakin.

Wala narin akong nagawa kundi ang humagulgol nalang habang yakap yakap si Nanay.

-----------------------------------------------------------

"Aray!" Narinig kong biglang sigaw ng kaklase namin kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Oh? Cuevas? Anong nangyari sayo?" Tanong ng teacher namin na napalingon din dahil sa lakas ng sigaw niya.

"W-wala po. Nasugatan lang po dahil sa cover ng libro ko." Sabi niya. Napatingin agad ako sa braso niya at ewan ko ba pero agad akong napatakbo doon at sinipsip ang braso niya kung san umaagos ang masaganang dugo.

"M-marianee..." Hindi makapaniwalang sambit nalang ng kaklase ko.

------------------------------------------------------------

Kasalukuyan akong nag-aaral ngayon sa kwarto ko dahil isang madugong exam na naman bukas nang mapatingin ako sa buwan sa labas. Napakalaki at napakabilog nun.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init. Init na may kasamang parang masakit sa loob. Maya maya pa, bigla nalang akong napasigaw sa sakit.

"AAAAAAAAAAAH!" Sa sobrang sakit nun ay nahulog ako sa kinauupuan ko.

"N-NAAAY!" Tawag ko kay Nanay pero imposibleng marinig niya ako dahil nasa kabilang baryo sila ni Tatay at hindi pa nauuwi.

Akmang tatayo ako pero napadapa ulit ng may parang gustong lumabas sa likod ko. Napakasakit nun.

"N-NAAAAAAAAAAAAAAY! T-TAAAAAAAAAY!" Sigaw ko ulit. 

"AAAAAAAH!" Malakas ulit na sigaw ko nung lumabas na yung gustong lumabas sa likod ko at paglingon ko, natigagal nalang ako.

Isang napakalaking pakpak na parang sa isang halimaw.

Maya maya pa, nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako sa kwarto ko at kumain ng tinapay na nasa ref pero di yun naibsan ang gutom na nadarama ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla nalang akong lumipad.

Sa paglipad ko, nakakita ako ng isang lalaking naglalakad mag-isa kaya agad ko siyang sinunggaban. Winakwak ko ang dibdib niya. Nagsisigaw siya pero imbis na maawa ako, parang musika pa iyon sa tenga ko at ewan ko ba pero nasisiyahan ako sa tuwing naaamoy ko ang dugo niya.

Pagkatapos kong kainin ang mga laman loob niya, naitanong ko sa sarili ko, Ano na ba talaga ako? At dahil sa isiping yun, bumalik ang mga alaala noong bago pa namatay si Lola

*flashback*

"La, kumain na po kayo." Sabi ko at inalalayan siyang umupo. Sinubuan ko siya pero umiwas siya.

"H-hindi ko na kailangang kumain a-apo." Pabulong na sabi niya pero sapat na para marinig ko.

"La, bakit po?" Alalang tanong ko. Matagal ng nanghihina si Lola. Mahigit dalawang taon narin siyang nakahiga na at alam kong di na siya magtatagal pa pero kataka taka lang talaga na umabot pa siya ng mahigit dalawang taon.

"I-ikaw apo a-ang may kailangang k-kainin." Sagot niya. Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Po?" Takang sabi ko.

"H-halika a-apo. Lumapit k-ka." Utos niya sakin kaya lumapit ako pero napatili nalang ako sa sakit nung marahas niyang hinatak ang buhok ko at marahas ring ibinuka ang bibig ko.

May inusal siyang hindi ko maintindihan lengwahe at maya maya pa, may nakita nalang akong isang maliit na bilog na lumabas sa bibig ni Lola at papalapit iyon sa bibig ko. Nagpupumiglas ako pero huli na ang lahat, naramdaman ko nalang na may nalunok na ako. 

Uminit ang buo kong katawan pero nawala narin iyon maya maya pa.

Kinabukasan, nadatnan ko nalang si Lola na patay na.

*end of flashback*

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Where stories live. Discover now