Chapter 29: Night 9

Mulai dari awal
                                    

Labag sa loob ng serial killer ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Hangga't maaari ay ayaw niyang saktan ang mga kasamahan niya... Pero wala siyang magagawa, kailangan niyang gawin ang role niya sa ayaw at sa gusto niya.

***

Tahimik lamang na naglalakad si Tomy sa paligid at palinga-linga siya sa paligid. Nasa loob siya ng hotel. Agad siyang bumalik rito noong matapos ang gaming hour. Isa-isa niyang pinihit ang mga kwarto ng kanyang kasamahan at naghahanap siya ng tiyempo kung kaninong kwarto ang mabubuksan niya.

Pinihit niya ang door knob ng kwarto ng isa sa mga kwarto at bumukas ito. “It’s just a normal room.” Sabi niya bago naglibot sa paligid.

Sinubukan niyang buksan ang mga drawer at wala namang kahina-hinala rito. Bago lumabas si tomy ay may napansin siyang dumi sa salamin at doon na siya nagsimulang maghinala.

***

Paikot-ikot lamang ang serial killer sa buong parke at naghahanap ng mabibiktima. Alam niya na ang lahat tungkol sa laro, alam niya na kung sino ang totoong may pakana ng lahat, at alam niya na kung sino ang utak ng ganitong laro.

Masyadong malaki ang parke na iyon para sa kanilang labing dalawang players na natitira. Nahihirapan na siya ng makahanap ng mga players na mabibiktima.

Naglakad-lakad siya habang mapunta siya sa loob ng isang horror booth. Ang nakakabinging mga nakakatakot na sound effect na nanggagaling dito ang nagpahikayat sa kanya na pumasok sa loob nito.

Habang naglalakad siya ay may nakita siyang tao na nasa isang gilid. Hindi maaninag ng serial killer ang mukha nito pero isa lang ang nasa isip niya... Kailangan niyang pumatay.

“Tulong!” Nagsimulang umakto ang serial killer at nagkunwaring tumakbo.

“Ayos ka lang ba?” Napangiti siya ng palihim nung lapitan siya ng kanyang biktima—si Phil.

Walang sinayang na oras ang serial killer, kinuha niya ang pocket knife na nakaipit sa kanyang short at mabilis na isinaksak sa leeg ni Phil.

"Masyado ka kasing mapag-isa Phil. Walang lugar ang nagmamatalino na kagaya mo sa lugar na ito," Sabi ng serial killer.

"Nagmamatalino? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako lumalaban?" Sabi ni Phil at ngumisi sa serial killer.

Sinipa ng serial killer si Phil sa tiyan dahilan upang mapasuka ng dugo ang binata. "Hindi ka lumalaban kasi alam mong hindi mo ako kaya."

"Akala mo ba ay hindi ko alam ang lahat? Kilala kita, kilala ko ang Mafia, kilala ko ang traitor, kilala ko kung sino si Amanda. Dapat kang kabahan dahil kilala ko kayong lahat." Hindi inaalis ni Phil ang ngisi sa kanyang labi. Hawak-hawak niya ang kanyang leeg at sinusubukang pigilan ang pag-agos ng malapot na pulang dugo mula rito.

"It's too late dahil mamamatay ka rin naman," Kinuha pa ng serial killer ang isa pang pocket knife sa kabila niyang bulsa. "Kung alam mo ang lahat ba't hindi ka nagsalita?"

“Dahil ayokong guluhin ang laro. Ang sarap manuod at alamin kung sino ang mananalo sa dalawang panig, ang innocent ba o ang killers? Ang sarap lang tumawa kapag nakakagawa sila ng maling desisyon at kapag naiisahan nila kayo.” Sabi ni Phil
Nanginig ang kamay ng serial killer sa galit kaya sinugod niya si Phil at sinaksak sa kanang balikat nito.

"Sige patayin mo ko. Hindi ako takot na mawala sa larong ito. Pero eto ang ikabibigla mo... Alam ko kung saan mo itinago ang mga nakitang bagay ni Tomy." Mahinang tumawa si Phil. Hindi niya iniinda ang sakit dahil natutuwa siya sa ekspresyon ng mukha ng serial killer.

"Tumahimik ka! Manahimik kang gago ka!" Paulit-ulit na sinaksak ng Serial Killer si Phil. Ramdam ni Phil ang matinding pagbaon sa katawan niya ng bawat saksak.

"M-maniniwala ka bang kinuha ko lahat mga bagay na itinago mo kay Tomy? Ikinalat ko ito sa buong parke, Hindi rin magtatagal malalaman nila ang katotohanan. Hanggang kailan mo kaya mapagtatakpan 'yang sungay mo ng bait-baitan mo?”

Nagdilim na ang paningin ni Phil. Ipinikit niya ang kanyang mga mata na may ngiti sa kanyang labi. Hindi siya nagsisisi dahil alam niyang nagkaroon siya ng silbi sa larong iyon.

***
Tomy

"It's a game over for Phil Hernandez! His game identity is—Innocent. Napiling patahimikin ng silencer si Mario sa trial bukas!”

Ikinabigla ko ang naging balita. Sa lahat ng mga players dito, hindi ko ini-expect na agad mawawala si Phil. Hindi naman masyadong nagkaroon ng impact sa akin ang pagkamatay niya dahil mailap din siya sa kapwa niya player.

Umakyat ako panandalian sa hotel upang kuhanin ang jacket ko pagkatapos ay pupunta na ako sa Crime scene.

Napansin kong nakauwang ang pinto ng kwarto ni Crystal. Agad na napukaw ng atensyon ko ang isang kalendaryo ‘2019.’”

"Oh Tomy ikaw pala," Bati sa akin ni Crystal at mukhang palabas na siya ng kanyang silid.

"Ang weird naman ng kalendaryo sa kwarto mo. 2019 samantalang 2018 pa lang," Sabi ko sa kanya.

"H-ha hindi ko rin alam eh." Sabi ni Crystal at isinara ang kanyang kwarto. "Nand'yan na iyan ng napunta ako rito eh. Alam mo naman ang mga kalendaryo ngayon, minsan advance na."

Hindi ko na lamang ito pinansin. How weird.

Killer GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang