59: Meet the Father

Magsimula sa umpisa
                                    

Natauhan na lang ako noong nag-bell nang malakas. Waaa, baka ma-late na ako. Si Jeydon kasi, kung anu-anong pinaggagawa sa 'kin, e. Pumunta na ako sa room ko.

Pagdating ko roon, nasa labas si Miss Farrah. Hala, lagot! Late na nga ako.

"Miss Farrah, sorry po." May kausap pala siya, hindi ko nakita.

"Candice, may gustong kumausap sa 'yo."

"Ha? Sino po?" Napatingin ako sa lalaking kasama ni Miss Farrah, kamukha niya si Baron. Parang magkapatid pa nga silang dalawa, e.

"Malalaman mo 'yan mamaya, Miss Candice." Hala! Kilala niya ako?

"Go ahead, Candice. Excused ka na sa class ko."

Natulala lang ako kay Miss Farrah. Ipagkakatiwala niya ako sa lalaking 'to? Waaa, baka mamaya, kidnapper 'to, e. Ay, OA? Bakit ka naman niya ki-kidnap-in, 'di ba? Isip-isip din, Candice.

"Uhm... sige po."

Sinundan ko lang si mamang kamukha ni Baron. Pagkalabas namin, pinasakay niya ako sa itim na kotse, kinabahan tuloy ako. Sino ba kasi 'to? Saan niya ako dadalhin tsaka sino naman ang kakausap sa 'kin? Omo! Baka mamaya, kindnapper talaga 'yon, pero hindi naman ako ipagkakatiwala ng teacher ko sa kidnapper, e. Bahala na si Batman.

Binaba kami ng kotse sa isang restaurant, sosyal na resto.

"This way po, Miss Candice."

Okay, sige. Hindi na siya kidnapper pero sino ba kasi siya?

"Uhm, ano po bang kailangan n'yo sa 'kin?"

Hindi siya nagsalita. Huhu, bastos 'to, ah! Tinuro lang niya sa 'kin 'yong isang table do'n sa dulo na may nakaupong lalaki. Hindi ko naman makilala kasi nakatalikod siya sa 'kin.

Dumiretso ako roon sa table. Pagkaharap ko roon sa lalaking nakaupo, para akong na-stroke. Bakit niya ako kakausapin? Hindi 'to maganda, huhu! Jeydon, help me.

"Maupo ka, hija." Wow, ang bossy din pala ng boses niya. Nataranta pa ako noong umupo ako sa harap niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba o sabihin na lang nating sa takot.

"Hello po." Mas awkward pa 'yon kesa sa nangyari kanina sa bahay. Ngumiti naman siya sa 'kin, hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko roon.

"Pasensya ka na kung naabala kita. Gusto lang sana kitang kausapin bago ako pumunta ng Macau bukas."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung ano man 'yong pag-uusapan namin, alam kong hindi 'yon maganda.

"Okay lang po. Bakit n'yo po ba ako gustong makausap?"

"Do you really love my son?" Straightforward din pala siyang tao, 'no? Medyo speechless naman ako ro'n. Naghanap ako ng tamang sasabihin kasi ayokong magkamali ng sagot sa harap ng daddy ni Jeydon.

"Yes, I do. I do love him."

"Sana alam mo na lahat ng maling ginagawa natin, may kapalit."

Hindi ako nagsalita, hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niyang sabihin pero halata namang tungkol sa ginawa namin 'yon ni Jeydon, e.

"Kumusta nga pala si Candy?"

"Kilala n'yo po ang mama ko?"

Ngumiti na naman siya. Lalo lang akong natakot sa kanya noong ngumiti siya sa 'kin, e.

"Yes, I know her. How's your father?"

Ouch. Kung kailan naka-move on na ako kay Papa, ibabalik naman niya, huhu. Ayokong umiyak sa harap ng papa ni Jeydon. Ngumiti na lang ako sa kanya pero hindi ako nagsalita.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon