59: Meet the Father

Beginne am Anfang
                                    

'Yon na lang ang nasabi ko. Hindi na nga nila ako pinansin sa bahay, paglabas ko pa, walang abnormal na pusang robot na nag-aabang sa 'kin. Lahat ng 'yon, kagagawan ko, dahil sa galit kong hindi ko nakontrol. Ang tanga-tanga mo kasi, Candice, e. Ewan ko ba sa 'yong babae ka.

Ang bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad papunta ng school. Parang isang oras na lakaran 'yong ginawa ko bago ako nakarating sa campus.

Pagpasok ko sa loob ng school, lahat ng mga babae roon, nakatingin sa 'kin, pinagbulungan ako. Ano na naman bang kamalasan ang meron ako? May poster na naman kayang nakapaskil sa buong school na sinasabing malandi ako? Ano pa bang kamalasan ang darating sa araw ko?

Dumiretso ako sa locker ko. Noong papalapit na ako, nakasalubong ko si Jeydon.

Noong nakita ko siya, napatigil kaming pareho. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Parang ang awkward naman bigla, parang may gap kami. Akala mo, nag-away kaming dalawa, e. Bakit, hindi nga ba? E, pinaalis ko lang naman siya kahapon.

Hindi ko talaga alam 'yong gagawin ko at 'yong sasabihin ko kaya dumiretso lang ako sa paglalakad. Gano'n din naman ang ginawa niya. Noong lumagpas na ako sa kanya, napatingin ako sa likod ko. Tinanaw ko siya, nakatalikod lang siya sa 'kin. Abnormal talaga! Hindi man lang niya ako lingunin! Naalala ko bigla 'yong sinabi niya sa 'kin kahapon.

"Kausapin mo na lang ako kapag okay ka na. Nandito lang ako."

"Jeydon, sorry!"

Napalingon siya sa 'kin. Bigla akong nataranta, hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit siya sa 'kin tapos binatukan niya ako pero mahina lang naman.

"Miss mo ako, 'no?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Mukha kasing hindi siya galit sa 'kin, e.

"E, paano kapag sinabi kong oo?"

Napangiti na rin siya sa 'kin. Waaaa! Bakit parang gusto ko siyang yakapin?

"Alam ko namang mami-miss mo ako, e, haha!" Tss. Overconfident.

"Sorry nga pala ro'n sa ginawa ko kahapon." Hindi ako makatingin sa kanya. Nakakahiya kasi 'yong ginawa ko, e.

"Huwag mo nang isipin 'yon, past is past. Ang mahalaga, miss mo ako, 'di ba?" Tumaas-taas pa ang kilay niya. Tss, oo na, miss ko na siya!

"Abno ka talagang pusa ka!" Nag-pout ako bigla sa harap niya. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa mukha ko.

"Huwag ka ngang mag-pout sa harap ko, hahalikan kita."

Sige, okay lang, halikan mo ako!

"May practice kami ng basketball kaya hindi na kita maihahatid. Late na kasi ako, e. Pupuntahan na lang kita room mo mamaya, ha?"

"Okay, sige. Hihintayin kita."

Lumapit siya sa tenga ko, mukhang may ibubulong yata siya.

"I love you."

Siguro, para nang kamatis 'yong pisngi ko sa sobrang pula. Alam mo 'yong pagkakasabi niya ng I love you? Sobrang sexy tapos sobrang kakaiba. Ganoon ba talaga kapag si Jeydon ang nagsasabi no'n? Kikiligin ka tapos bibilis 'yong tibok ng puso mo? Shit naman.

In love na talaga ako sa abnormal na pusang robot na 'yon.

"Saranghae, Jeydon."

Hinalikan niya ako sa pisngi ko tapos ngumiti siya sa 'kin bago siya umalis. Naiwan naman akong tulala, na-stun ako sa ginawa ni Jeydon. Bakit ang sweet ng boyfriend ko?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt