"Oo!" Sabi ni Reev na parang may naalala

"Kung ganon ay bilisan na natin, we don't have enough time here"-frost commanded

Pinalibutan naming lahat si Reev na ngayon ay nagcoconcentrate na.

Sana, sana gumana.

— — — — —

Reev's POV

Lumalaban kami sa Sky Village na nasa palibot lang ng Sky Castle ng biglang dumating si Sky, ang sabi nya kailangan ko daw sumama kaagad sa kanya at kinakailangan lang daw. Nagtaka ako kung bakit pero sumama naman ako, kaya lang itong dalawa kong praning na kaibigan na nagngangalang Hunter at Vyra ay nagdududa kaya sumama din sila.
Medyo nagulat pa ako ng hawakan kaming tatlo ni Sky at sa isang iglap lang ay nasa harap na kami nilang lahat, what I mean is sina Princess Flame.

Nilibot ko ang tingin ko sa lugar at nagtaka dahil di ito pamilyar sa akin, mas nagulat ako ng makita ko yung bagay na nasa harap ko. Sphere of Power. Nagulantang talaga ang buong sistema ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito, pero mas nangibabaw yung takot dahil napaka laki nito at kulay itim. Dark magic, ayoko talaga non. Light magic user kaya ako!

Ipinaliwanag naman nila sa akin ang nangyari at kaagad ko namang naintindihan ito. Kaya nga ngayon, nakatayo ako sa gitna nilang lahat na nakapalibot sa akin. Packing tape! Kinakabahan talaga ako sa gagawin namin, di maganda ang feels ko dito. Paano kung mamatay ako? Kawawa naman ang mga babae ko!

"Wag kang kabahan" sabi ng isang tinig sa gilid ko. Paglingon ko, ang prinsesa. "Tutulungan ka namin" pagkasabi nya non ay ngumiti sya

Grabe talaga si Princess Flame, pamatay sa ganda! Napangiti nalang din ako at kinindatan sya, ero di sinasadyang napalingon ako sa katabi nyang si Frost na nakatingin din sa akin ng totoong pamatay. Dahil doon ay napaiwas nalang ako ng tingin.

Inilabas ko na ang angel like wings ko, mas nakakapag focus kasi ako with this. Nasabi ko na ba sa inyo na half angel ako? Kaya nga ako special dahil kaunti lang ang mga gaya ko.

"Let's start" sabi ko

Nagumpisa na akong gumawa ng sarili kong Sphere of Power, never in my entire life na naisip kong gagawa ako ng ganito 'coz you know why? Kakaunti lang ang mga magic user na nabubuhay pagkatapos gumawa ng ganito.

Sana, sana gumana.

— — — — —

Charm's POV

SINONG NAKAMISS SA AKIN?? YAAAAAAHH I miss you all too! But this is not the right time para mamiss natin ang isa't isa. Kasi we are facing a huge problem here.
Itong Sphere chuchu na to, nakakaasar kasi binuo pa sya ni Dark. Kailangan namin syang sirain para sa kaligtasan ng iba.

"At a count of three, sabay sabay nating isasalin ang kapangyarihan natin kay Reev!" Sigaw ni Axel

Isa pa tong si Axel sa mga pinoproblema ko. Napaka easy go lucky nyan at parang walang pakielam sa iba pero kapag sa mga pagkakataong ganito, lumalabas ang pagiging leader nya. I know, he can make a very responsible King in the near future.

Kaya nga mahal ko yan. Yeah right may lihim akong pagnanasa-este-pagmamahal dyan, unrequited love ba. Wala akong pinagsasabihan na iba kasi alam ko na napaka imposible.

"One!" Umpisang bilang ni Axel

Nakita ko naman na bumubuo na ng parang light force sa palibot nya si Reev, doon namin patatamain ang powers namin. Itinaas din ni Reev ang mga kamay nya at nagumpisang gawin ang Sphere of Power nya.

"Two!" Patuloy ni Axel

Mabalik tayo sa unrequited love ko, yun nga sinekreto ko nalang yun kasi alam kong di naman nya masusuklian ang pagmamahal ko. Masyado kasi syang mataas, prinsipe kasi sya at normal na tao lang ako, masyado kaming malayo sa isa't isa. Para syang langit tapos lupa ako, impossibleng magsama.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon