Chapter 1

388K 11K 3.2K
                                    

Flame's POV

Luto here, linis there, kapagod everywhere!

Yan ang madalas na ginagawa ko pagkamulat palang ng mga mata ko.
Katulong? Hindi naman, pero parang ganun? Hirap iexplain.

"Flame!!"-aunt
"Bakit po Auntie?"
"Ang almusal namin ihanda mo na!"-aunt
"Opo"

Yan ang Auntie ko, madalas nya akong sigawan pero ok lang. Atleast pinakakain at pinatitira nila ako dito diba?

Matapos nilang kumain iniligpit ko na yung pinagkainan nila at binitbit ang mga maleta nila papunta sa kotse. Aalis kasi sila para sa business, tatlong araw din siguro silang mawawala.

"Flame, alagaan mong mabuti si Trixie huh? Kapag may nangyari sa kanya naku, malilintikan ka sakin!!"-aunt

"Opo ako pong bahala"

Nang malaman ko ngang aalis sila ng tatlong araw nakahinga ako ng maluwag, biruin mo mapapahinga ako sa mga utos nilang pamatay ng tatlong araw! +Q+

Bumalik na ako sa loob ng bahay at naupo sa couch. Alas-kwatro palang kasi gising na ako para ayusin ang mga damit na dadalhin nila at ipagluto sila.

Ay! Nga pala dami ko ng nasabi di pa ako nagpapakilala, Sapphire Flame Forrester, yan ang pangalan ko. Pang mayaman diba? Pero hindi, ampon lang ako. Halata naman sa trato nila sa kin diba, pang katulong lang para daw may silbi naman ako.

Kung nagtataka kayo kung saan nakuha name ko, naka burda yun sa puting kumot ana nakabalot sa akin ng mapulot nila ako. Sabi nga nila may dugo pa daw ako sa katawan kaya alam nila na bagong silang pa lang talaga ako.

15 na ako at mag 16 sa December 25, astig no? Ka birthday ko si God.

Kung itatanong nyo naman ang physical appearance ko, well, mukha naman po akong tao. Sabi ni Trixie maganda ako, lalo na yung mata at buhok ko. Red kasi ang kulay nun, kakaiba no? Hindi ako nagkukulay o contact lense, natural yun;)

"Ate Flame, sila mama?"-trix
"Nakaalis na sila eh, gusto mo ng mag almusal?"
"Sige, tara sabay na tayo ate"-trix

Sya naman si Trixie, anak nina Auntie. Si Trix mabait sya saakin di gaya nina mama nya. Sa buong buhay ko sya lang ang nagparamdam sakin na mahalaga ako.

Kaya nga hindi ko sya kayang saktan kahit kailan.

Pagkakain nagligpit na ako habang si Trix ay nasa sala nanonood ng tv. Diretso naman ako sa kwarto ko pagkatapos non.

Haaaaaaayy, kapagod.

Nagunat ako at pabagsak na nahiga sa papag, aray lang, naalala ko wala nga palang kama ito, antigas lang-.-

*scratch.scratch.scratch*

Napatayo naman ako nung may ingay na nagmula sa nagiisang bintana ko.
Grabeng ibon ito, papatayib ako sa gulat.

Di ko na naman yun pinansin at nahiga nalang ulit.

*scratch.scratch.scratch.scratch.scratch*

Makakayod naman ng bintana ito wagas!

Binuksan ko yung bintana at pumasok naman yung ibon. Ngayon ko lang napansin, ang ganda nung ibon puting puti. At may nakalagay din sa tuka nya na inilapag nya.
Pagtingin ko, isang sobre.

"Bakit ka may dalang sobre ibon?"
"Para kanino ba to?" Dagdag ko

Tiningnan ko yung likod ng sobre, nagbabakasakaling may pangalan kung para kanino at do nga ako nagkamali.

Sapphire Flame Forrester

Yan ang nakalagay sa likod. Kung ganon, para sa akin to.

Buksan ko na kaya?

"Buksan ko na to ibon ha?"

Nang mabuksan ko na yon, lumabas doon ang isang kulay gintong papel na nakatupi sa gitna, may naka embose pa na kung ano sa harap nung papel 'SA' ang nakalagay. Wow ganda, binuklat at inumpisahan ko ng basahin yun.

Ms. Forrester,

Greetings from Sky Academy!
We would like you to know that we, the professors together with our head master, is inviting you to enroll in our academy and be one of us!
The school bus will wait for you at the town's forrest, August 1 at exactly 12 midnight.
We'll be waiting for your presence.

- Sky Academy, School of Magic

O.O School of magic? Seryoso? Anong klaseng kalokohan to? Wala namang magic diba? Sa fairy tales lang yung diba?

"Ate Flame! Tara dito sa sala"-trix

Naputol ang pag iisip ko ng tawagin ako ni Trix. Pagtingin ko sa bintana, wala na yung ibon at ngayon ko lang napansin, umuulan pala. Kaya agad agad kong sinara yung bintana ko at tumakbo na papuntang sala.

Kasalukuyan akong tinuturuan ni Trixie ng mga lesson nila sa school, di naman kasi ako pinag aaral. Buti nalang at nandito si trixie para turuan ako, mahal ko talaga tong batang to. Haha di naman sya ganun kabata, infact 15 lang din sya, nauna lang ako ng ilang buwan.

Tinuturuan nya ako ng Math ng bigla kong maisip yung Sulat.

"Ay Trix, may sulat pala akong natangap"
"Sulat? Para sayo? Kanino galing?" Tanong nya
"Di ko nga alam eh, at sa ibon pa pinadala, sa bintana"
"Weird naman nun, patingin nga"
"Wait, kunin ko"
"Eto oh" sabay abot ko sa kanya nung letter

Binasa naman nya yun at kagaya ng nangyari kanina sakin, gulat na gulat din sya.

"Oh em! Magic talaga? As in? May ganun ba?" Gulat paring tanong nya

Nagkibit balikat nalang ako kasi di ko talaga alam.

"Baka someone's bluffing you lang"
"Wala naman akong kakilala diba?"
"Sabagay, and to think na todo effort pa sya jan sa Golden Letter mo, Wow lang!" Sagot nya
"Hayaan mo na nga lang, baka nga nanloloko lang"
"But 3 days from now na yung August 1" saad nya

~~~~~

Vote and Comment guys.!!

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon