Chapter 38

126K 4.3K 798
                                    

A/n: Contrary to the books time, good morning ;>

— — —

Gabi na at Ilang minuto nalang at kami na ang sasabak sa laban. Sabi ni Axel ay hinati daw ang mga mandirigma sa tatlo para kapag may napagod ay may papalit, ganon ang ginawa nila sa huling tatlong araw. Tiningnan ko ang kalangitan mula sa malaking bintana dito sa palasyo, napaka dilim. Kung dati ay napupuno ang kalangitan ng mga bituin at mga nagliliparang fairies at pixies na nagpapaliwanag ng gabi, ngayon ay wala na ito. Wala na yung magical na gabi na una kong nakita dito.

Maaaring nasa healing area ang mga fairy at pixie kasama ang mga healers, may kakayahan kasi silang ibalik ang enerhiyang nawala sa isang tao. Ang buwan at mga bituin naman ay natatakluban na ng makapal na usok dulot ng malalakas na pagsabog sa digmaan. Maya't maya rin kung makaramdam kami ng pagyanig ng lupa dahil sa pagsasalpukan ng mga tao at ibang creatures. Napaka gulo.

"Flame" pagtawag ng isang tinig matapos ay naramdaman kong may mga bisig na yumapos sa akin magmula sa likod, amoy palang ng taong ito ay alam na alam ko na. Walang iba kundi ang mahal kong si Frost.
[A/n: taray ng tagalog ni Author, lalim! haha. Epekto ng 1 linggong pagaaral ng Noli Me Tangere!]

Hinawakan ko ang mga kamay nyang nakayakap sa akin t napa buntong hininga. Anumang oras mula ngayon ay sasabak na kami sa laban, sa isang laban na walang kasiguraduhan. Pumasok nanaman sa isip ko ang sinabi ni Andrea sa akin, ang dating Guardian, na sa oras na mamatay ang masamang Ice Guardian ay mamamatay din si Frost. Iniisip ko palang ay lubos na akong nalulungkot. Paano kung mangyari ang sinabi nya? Paano kung mamatay nga si Frost? Hindi ko kaya.

"Kinakabahan ka ba sa War?" Tanong nya
"Oo" pagsisinungaling ko kahit na gusto kong sabihin na kinakabahan ako para sa kaligtasan mo.
"Wag kang magalala, nandito ako lagi sa tabi mo. Ililigtas kita" paniniguro nito at marahang idinampi ang labi nya sa akin.

At sana mailigtas din kita. Gusto ko yang sabihin sa kanya pero mas pinili kong tumahimik at bigyan sya ng tipid na ngiti.

"Frost, Flame, pasensya na sa pag abalo ko sa sweet moments nyo pero kailangan na tayo sa labas" pagsingit ni Axel sa gilid

----------

Nandito na kami sa labas sakay ng mga kabayo at tumatakbo palapit sa labanan. Nakaabot sa amin ang balita na tumigil ang Underworld sa pagpapadala ng mga dark creatures at mga sundalo nila. Hindi namin alam kung bakit pero hindi namin ito dapat ipagsawalang bahala, may pinaplano sila. Alam kong wala sa bokabularyo nila ang salitang pagsuko.

Nang marating namin ang site ay nakita namin na naroon na ang mga healers at dinadala ang mga sugatan, bumabalik na rin sa kaharian ang mga pagod na mandirigma at estudyante. Kami na ang magbabantay dito.

Pinakiramdaman ko ang paligid, napaka tahimik. Nakakapagtaka, ano bang binabalak nila?

"Axel?" Pagtawag ko sa kanya, katabi ko lang sya kaya't narinig nya agad
"Bakit Flame?"
"Si Dark, alam mo naman ang hitsura nya diba? Nagpakita na ba sya sa huling tatlong araw?"

Panandalian syang natigilan at parang nagisip
"Oo, sya at ang masamang Guardian ang nasa unang linya ng mga sumugod dito pero ng nakita at malaman nyang wala kayong mga Guardian ay umalis sya" nakita kong ngumiti pa sya ng mapait "Nakakatawa kasi inaya nya pa akong umanib sa kanila kapalit ng mataas na posisyon bilang kapatid naman daw nya ako. Nakakapagtaka rin dahil parang siguradong sigurado sya na mananalo sila dito"

"Ganun ba?" Tanging nasabi ko

Kung ganon mukhang may pinaplano nga sila, hindi sya magiging ganon kasigurado at kakampante kung wala. Pero ano naman kaya yun? Di kaya ang masamang Guardian? Pero alam nya namang anim kaming Guardian na nandito. Aishh! Ang hirap nya talagang basahin!

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon