Natawa naman ako ng pilit sa sinabi nya. Di ko kasi alam kung nagbibiro sya o seryoso. She's pretty hard to read.

"S-So, do you need anything sa locker ni Kael?" Tanong ko nalang at binalewala ang sinabi nya. Nagkibit balikat lang sya at sinara iyon ng malakas.

Napaigtad ako sa ginawa nya. "May pinapakuha lang sya pero parang wala naman sa loob, mukhang di nya nadala." Sabi nya nang nakangiti.

Nanikip naman ang dibdib ko sa sinabi nya. "He actually let you have his locker's key?" Di makapaniwalang tanong ko.

Kasi naman, kahit sa'kin na bestfriend nya hindi nya ipinahahawak 'yun. How come na ipinahiram nya 'yun sa babaeng 'to? I know she's his girlfriend pero it's too early for him to trust her. Does this mean seryoso sya sa babaeng 'to?

Saglit na napangiti ako ng mapait dahil sa inisip ko pero agad ko iuon pinalitan ng ngiti. Isang pekeng ngiti.

"Bait naman." Maikling sabi ko nalang sa kanya at nginitian sya.

Napansin kong napatitig sya sa mukha ko. Bigla syang nag-angat ng kamay at hinaplos ang pisngi ko. "Grabe, ang kinis mo naman. Ano'ng gamit mong facial wash? Cream narin kung pede." Sabi nya at pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa nyang kamay.

Kinabahan ako sa ginawa. "I-I don't use that stuffs. Obviously." Sabi ko at huminga ng malalim. "That's for girls."

"Liar. It can't be that smooth kung di ka nagamit ng ganun." Sabi nya at pinisil-pisil ulit ang pisngi. "C'mon tell me."

Tinabig ko ang kamay nya na nakahawak sa mukha ko. "My class is about to start. Pasabi naman kay Kael na di ako makakasabay sa lunch mamaya." Sabi ko at tinalikuran na sya.

"Kael? So Kael ang tawag ko kay Michael. How cute. Maybe I'll call him Kael, too." Sabi nya na parang nakakaloko.

Try it, btch. He won't let you. Marami nang sumubok pero hindi napayag si Michael na magpatawag ng 'Kael' maliban sa'kin. Only me.

"Do what you want." Malamig na sabi ko sa kanya.

Tila lumalabas ang tunay na nararamdaman ko para sa babaeng 'to. I don't like her and obviously, I'm just trying to get along with her since girlfriend sya ni Michael. But I think I'm reaching my limit. At kailangan ko nang lumayo bago pa ako tuluyang mawalan ng kahit konting paggalang.

Tumawa sya nang malakas kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "He'll let me, for sure. Duh! I already have his locker's key, right? It only means na nakuha ko na ang tiwala nya." Parang desidido na na sabi nya.

Humarap nalang ako sa kanya at ngumiti ng malaki. "Goodluck to you, Sweety." Sabi ko ay kinindatan sya.

Mabilis na akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para kalmahin ang buong sistema kong sobrang inis na inis sa ngayon. Pero bago ako makalayo, may narinig muna akong mga salita galing sa kanya.

"I like your attitude, Carlo." Sabi niya nang malakas. Ramdam ko ang pagtitinginan ng mga estudyante sa amin. "Kung hindi ka lang mas maganda sa'kin, papatulan na kita." Natatawang dugtong pa nya.

Patuloy lang akong lumakad at di sya pinansin. Kahit na sobrang nainsulto ako sa mga sinabi nya. Maganda? Sino ako? Puta naman, lalaki parin naman ako kahit di ako nagkakagusto sa babae. To think na hindi naman nya alam ang sexuality ko, hindi man lang ba nya naisip na pede syang makaoffend sa mga sinasabi nya? Takte.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Where stories live. Discover now