Jam- tumango lang.
"Gusto mo tulungan kita? Boto naman ako sayo eh. Yun nga lang parang tropa ko na rin si Zarren. Pero syempre mas boto ko sayo. Bespren tayo eh."
"Sira. Wala akong balak mang agaw lalo na kung si Anghel ang aagawin ko noh. Baka mandiri lng yun sakin."- hala, nag emo pa, di naman bida. hehe
"Nu ka ba, ganda mo kaya. Kung di lang nga rin kita tropa baka pinatulan na rin kita. hehe. Hmm, ano kaya kung magbagong anyo ka? Hehe, mag bihis babae ka ganon. Para mapansin ka ni Anghel."
"Yuck. Wag na uy. baka gumuho ang mundo."
"Tamo to, baliw talaga. Basta ako suggestion lang yun ah. Nasasayo parin kung nu gusto mo. Magkaron ka kasi ng tiwala sa sarili mo kahit konti lang. Akong bahala. Sagot kita jan kay Anghel. Gusto mo itali natin eh. hehe."
Jam- isang hingang malalim lang. “Bahala na.”
Waaaaah. Bakit ganon, bakit ganto na ang nagiging takbo ng storya ha? May mga tropang taksil na ah. tsk. Kahit papano naman ay nakasama at nakilala rin ni Clark tong si Zarren ah . Bakit ganon, balak pa niyang tulungan si Jam. Hay Zarren, pano na kita ililigtas nyan sa mga pangyayaring force majure na to. hehe.
Ok. tama na ang segwey ng mga hindi bida na yan. Dun na tayo sa mga bida na talagang kinakikiligan ng lahat. Pang prime time talaga ang slot nila. Hehe.. tsk, pano nga kaya susuyuin ni Anghel ang bida natin...
Setting: Anghel-tawag nang tawag kay Zarren habang nagd-drive. Yun nga lang di nya macontact si Zarren. Waaaah. Di na nya alam ang nasa isip ni Zarren nung mga oras na yun. Parang pinagpapawisan na sya ng malamig, kakaisip ng magandang alibi sa sitwasyon nya. Aaminin ba nyang nag lunch sila ni sexy dentist o ano.
"Hayup kasi tong si Clark eh. Pasaway talaga. Makikita mo talaga pag ako di pinatawad ng Zarren ko.. Nakuuu! Huhu Zarren, wag ka magagalit please. Huh, nu kaya magandang sabihin.. Oh Zarren, lam mo kasi, ahm birthday niya kaya nanglibre sya. Ayun nahila ako.. tsk, waaaah, parang di ko maatim magsinungaling.. Nu kayang maganda? O Mahal ko, tara kain tayo sa labas.. tsk, tipong wala lang ah. Deadma ganon. Hay,, utak ko, come back to my head. Putek."
Yun. Siguro naman naiintindihan nyo ang sitwasyon ni Anghel. Di pa ba kayo na w-wrong send sa tanang buhay nyo? Haha hanep lang sa pakiramdam yun. Nakakapanglaki lang ng mata at nakakapigil hininga. Tsk, lalo na kung yung masesendan mo ay kamag-anak mo o boss mo.. waaaah. Yun na ata yung pinakamalupet. Tsk. Buti nalang segwey lang to at di nangyari sa totoong buhay. Haha.
Yun nga. Di na sya nagpatumpik-tumpik pa. Direcho sa office ni Zarren. Nagpacute muna sa receptionist para masiguradong lalabasin sya ng syota nya. “Hi Ms.(kagat labi). Ahm, pakisabi naman kay Zarren andito yung friend nyang si Fate. Thanks”.
Wehehe, akalain mo, naisip nya agad na baka di sya labasin ni Zarren pag sinabi niyang siya nga ang nasa labas. Tsk.
Tiktaktiktak. 2 mins. Ayun. Lumabas din..
“Oh mahal ko, maaga pa ah. Nung ginagawa mo dito? Kala ko si Fate”-Zarren mukhang good mood lang.
(Anghel’s pov)- nu yun. Bakit ganito sya? Waaaah. Nabasa kaya nya yung tinext ni Clark. Ano toh?? Oh putek, pag tong si Zarren may binabalak na malupet.. Huhu, baka tapos nito bigla nalang nya kong sampalin ah. Ihahanda ko na ang pag iwas sa pogi kong pagmumukha in case na sampalin nya ko.
“Hello? Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba? Sabi ko ano pong ginagawa mo dito? Grabe naman ata ang pagkamiss mo saken.”
“Ah, oo kaya grabe kaya.”
“Nu ba yan. Retarded ka ba? Gutom ka?”
“Hehe, oo nga mejo eh. Tara kain tayo.”
“Weh, office hours pa kaya. Bakit ka ba kasi andito mahal ko?”
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 11: ikaw na, anghel de saya..tsk.
Start from the beginning
