"To kase eh. Lunch lang naman yun eh."
"Hala, tol, parang under ka ata kay kumander ah. Kelan ka pa natakot sa babae ha? Hmm, mukhang masama talaga tama mo kay Zarren ah. tsk."-Clark
"Ngayon lang. Mahal ko eh."- weeee, Yun oh. Nakana hanep lang, sa buong buhay nya ngayon lang sya nagsabi ng ganon sa tropa nya. Yiii, iba talaga tama niya kay Zarren.
"Teka lang tol, yung kasama mo kahapon, pakilala mo naman ako oh. Kung yun lang rin magiging dentist ko, aba lalamunin ko na lahat ng chocolate sa Pilipinas, matignan lang nya ngipin ko."-Clark
"OA naman to. Di kana nakontento sa chicks mo ah."- Jam
"Oo nga tol, bat di mo kaya itry magseryoso sa babae ha. Hirap sayo napakahilig mo."-Anghel
"Waaaah, nagsalita ang maamong tupa. Porket nagpagupit ka lang kala mo good boy ka na. tsk, Sige na naman pakilala mo na sakin yun. Ang hot eh. Sige ka isusumbong kita kay Zarren nyan. Teka nga, maitext..."- hehe, sa puntong to, saktong hawak ni Clark ang cp ni ANghel. at tinatype ang . thanks sa lunch babes.
"Ohhpppssss. Pucha pre, magkalimutan na tayo pag sinend mo yan."-Anghel iiyak na.
"Ay....."- nag aagawan ng cp sila Anghel at Clark. Halos matumba na si Clark kakaagaw ni Anghel ng cellphone. Hanggang sa... ayun..
"Tol, hala putek..na send..Sorry."-Clark
"Waaaaah.... anong ginawa mo. Amin na nga yan."-Anghel, hikbi pa sige, wag mo pigilin. haha, yari ka sa girlfriend mo. Ewan ko nalang kung pagkatapos ng limang minuto ay magiging kayo pa.
"Shit! Yari ka sakin pag di ako pinatawad ng mahal ko." haha, ang sama makatingin ni Anghel ah.. parang papatay lang. Tsk, hala panu yan.
Yun. Umalis na sya. Drive lang papuntang office nila Zarren..
Samantala, pakinggan naman natin ang segwey na usapan ng dalawang magtropang matagal ding nawalay sa isa't isa...
"Arte nun noh. Baliw na ata. Para yun lang eh."- Clark manhid talaga sa mga ganung sensitibong bagay.
"Loko ka kasi eh. Bakit mo naman kasi ginawa yun. Yan tuloy sumibat agad."
"Weh, ayaw mo nun, pabor sayo. hihi"- Anu daw??
"Bwiset ka parin kahit kelan eh noh."-Jam, irap mode
"Woooh, kunwari ka pa. Kala mo nalimutan ko na.. Ang,... Iyong damdamin para kay mr. poging pogi at cute na cute na swabeng swabeng si pareng Anghel? Waaah, i remember the days pareng Jam. Nung mga times na umiiyak ka sa ilalim ng ulan.. wahaha. astig yun. Hardcore iyakan under the rain. wahehe"
Weh? Nu yun? bat may ganong factor? iyak sa ulan? luma na yun ah, pero mabenta pa rin kaya ginaya ko. haha. So.. ibig sabihin talagang may tinatagong damdamin tong si Jam para sa bida nating si Anghel? At alam yun ni Clark ganon ba? Waaaah. Badtrip. Bat may ganon. So talo talo na ganon? tsk tsk...dami namang problema dito.. may dentist na may Jam pa.. waaah parang lahat konektado sa ngipin ah.. hay..
"Tigilan mo ko Clark. Uupakan kita."
"Eh kasi naman pareng Jam. Kung sana noon pa ay umamin ka ng pusong babae ka kay Anghel, edi baka ngayon, kayo na.. Yan tuloy naunahan ka. tsk. "
"Nu ba sabi eh."
"Naman, ako lang naman to eh. Ngayon ka pa nahiya. Ok lang yan. Normal yan. Hehe, akalain mong normal ka pala.. "
"Ok lang yun. Di naman ako bitter eh. Kaya ko naman. Yun nga lang eto, nanghihinayang pa rin." -Jam
"Tsk, tsk. Sabi na eh. So ibig sabihin, mula pa dati gusto mo na sya?"
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 11: ikaw na, anghel de saya..tsk.
Start from the beginning
