He just looked at her. Kailan ba nila ito dapat pag-usapan?

“Ok, so ok na ba itong mga gawa ko?” He changed the topic.

“Wow! Ang ganda!” It was an honest comment. Magaling pala ang binata, kuhang-kuha niya yung mga colors ng pinapagawa niyang bata at yung iba’t ibang zodiac signs na cartoon character style. “Ang galing mo naman, Dylan!”

“Thanks. So, ilalagay na rin natin sa room mo.”

“Tutulungan mo ako?” She couldn’t believe it, malaking tulong na nga na ginawan siya ng customized decoration.

“Lulubusin ko na. Wala din naman akong ginagawa sa office, so tutulong na lang sayo.”

“Thanks. Libre kang meryenda sa akin.”

“Kiss wala?”

“Dylan!”

“hahahaha! Biro lang.” Pwde mo na ring totohanin, sa isip niya.

 

***

 

Ewan ba pero ang bilis ng pangyayari, at eto siya ngayon sa classroom ni Sandy, umaakyat at tumutulong sa pagdedecorate. Kaya tuloy, yung mga co teachers niya, tinatanong kung boyfriend niya ito. Si Dylan naman, walang sinasabi, ngiti lang kung baga ang katapat. Siya yung nagtatama ng mga iniisip nila, nakakahiya kaya sa kanya, tuloy, naiinis siya kasi panay daan ng mga co teachers niyang babae sa harap ng room niya, halatang nagpapacute. Halos hapon na ng ihatid siya nito sa apartment.

“Thank you talaga, Dylan, ang laki ng naitulong mo sa akin.”

“Don’t mention it. So, see you pag hindi ako busy, tatawagan na lang kita ha.”

“Thanks ulit.”

*****

Dahil sa ang bilis ng pangyayari ay di makatulog si Sandy, paikot-ikot lang siya sa higaan niya, biglang tumunog ang cellphone niya. May nagtext.

Si Dylan! Bakit siya kinakabahan at na eexcite?

Still up? I had a great whole day because of you. Thanks Shimmer.-Dylan

 

Ano bang irereply niya. Kainis, bakit kinikilig siya.

Yup! I had a great time too, Dylan. Thanks for the help. – Shimmer

 

 

 

Anytime. Matulog ka na. Goodnight Shimmer. – Dylan.

Pinigilan ni Shimmer ang magtititili.

Goodnight too Dylan. – Shimmer

 

 

 

Sweet dreams. – Dylan

 

 

Siyete!

Di na siya nagreply, baka kasi I love you and maitype niya. Tuloy ang sarap ng tulog niya kaya tinanghali siya ng gising.

***

Tawag ni Alwin ang gumising sa kanya. “Goodmorning sleepyhead! Anong gusto mong pasalubong.” Nasa Hongkong kasi ito ngayon, may inaasikaso raw.

“Hmmmm. Kahit ano na Alwin.” Nakakahiyang magdemand.

“How about an authentic Hello Kitty stuffed toy?”

Namilog ang mga mata niya. “Really?”

“Sinasabi ko na nga ba eh.”

Naexcite tuloy siya, ilan lang naman kasi ang authentic sa mga collections niya eh. Uuwi na raw ito sa makalawa. Namiss din naman niya ang binata, ang saya naman kasi nitong kasama, masyado ring maalaga.

 

 

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now