XII

31.7K 705 7
                                    

epekto ito ng pag hihibernate ko, sobrang boring dito. As in. at dahil ito ang naupdate ko sa cp ko, ito lang ang magagawan ko. o diva

****

Parang ok na ang lahat, kahit summer ay di naman ako nabored kasi nga pinapareport na ako sa school, mag aayos na raw kami ng aming classroom. Sa fourth year ako naasign, sana naman di ako mabaliw sa kanila.

Nakilala ko na rin ang iba kong co teachers, mababait naman sila, ang dami ng nilang tips para sa akin. Isa na sa kanila si Charles, napaka friendly nito at gwapo rin naman. Di nga lang kasing gwapo ni Dylan. Bakit ba kinocompare niya ito rito.

"Ang ganda mo namang teacher Sandy, baka maraming magkaka crush sa iyo niyan." Pagbibiro ni Charles

"Asus naman Charles, nambobola ka pa." Actually, di na bago sa kanya ang ganyang mga comments. Kaso, di pa rin siya nasanay.

"Alam mo, nung high school ako, may teacher ako na crush na crush ko. Naiinspire akong pumasok. Ngayon, malamang maiinspire din pumasok ang mga estudyante mo, pati na ako." hirit pa niya.

"Tigilan mo na nga ako Charles."

Dahil summer eh hindi pa siya n iistress sa work. Wala naman siyang ginagawa, di naman din sila required pumasok ng maaga.

Pauwi na siya nun ng may humintong kotse sa harap niya. Si Dylan. Ang gwapo nito sa suot na navy blue polo shirt at nakamaong lang ito. "Hi Shimmer, may kliyente lang ako sa malapit kaya napadaan ako. Tiyempo namang andito ka. Hatid na kita."

Bakit ba ganito yung puso niya kapag ngumingiti si Dylan, nagtitinikling.

"Naku, hindi na Dylan, dadaan pa kasi ako ng SM, may bibilhin lang ako na school supplies." Nakakahiya naman kasi, magkaibang direksiyon ang apartment niya at ang mall.

Actually, wala naman talagang lakad o kliyente si Dylan, talaga lang na inabangan niya di Shimmer, halos isang linggo na niya kasi itong di nakikita. At ewan ba niya, gusto niya itong makita.

"Sige, daan tayo ng mall. Wala naman akong gagawin."

At umalis na kami. Sa kotse pareho kaming nagpapakiramdaman. Parang mas lalo yatang gumuwapo si Dylan dahil sa mga tumubong stubbles niya. Bigla napatingin ako sa mga labi niya, those beautiful lips. Then I remembered how he kissed. Nag -init ang pisngi ko. Bakit ko naman kasi naisip yun. Bigla di ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya tuloy napangiti siya.

Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita. "Wag mo naman akong titigan, baka malusaw ako nyan Shimmer." Agad ko tuloy iniwas ang tingin ko. Waaaaaa. Nahiya ako.

"How's your work?" It breaks the ice.

"Di pa naman masyadong stressful, nagdedecorate lang kami ng classroom namin." Bigla napasimangot siya.

"Bakit?" Tanong ni Dylan.

"Wala naman." Paano niya ba sasabihin na limited ang talent niya pagdating sa pag dedecorate.

"Wala ka jan. C'mon tell me, baka makatulong ako." Halata naman din kasing may pinoproblema si Shimmer.

"Basta, dun na lang tayo sa National Bookstore, baka may makita akong instant na pwede kong ilagay sa room ko."

"Instant? Gumawa ka na lang."

Napasimangot siya. "Wala akong alam jan. Kaya instant decoration." Pumasok na sila ng mall.

"Miss,do you have anything na pwede kong ipandecorate sa classroom?"

"Yes Ma'am." Sumunod sila rito.

Patingin-tingin si Sandy sa mga available na materials pero wala siyang mapili. Si Lucas Dylan naman ay nakasunod lang sa kanya.

"O bakit?" Napansin kasi niyang panay hawak at balik lang ng mga decorations si Shimmer.

"Wala akong magustuhan eh." She pouted. Ang cute naman nito.

"Gumawa na lang tayo."

"Tayo? Di ako marunong Dylan."

"Ako marunong." Then ngumisi ito. "Kung mapagtitiyagaan mo."

Bakit nga ba hindi. Siya naman ang kusang nag offer, di ba? "Sige, what do I need to buy?"

Sinabi niya ang gusto niyang concept para sa room niya. Nakikinig lamang ito. Then maya maya pa ay may tinanong siya sa sales lady. Halata namang nagpapacute ito kay Dylan. Halos di na nga umalis sa harap nila kahit may iba pang customers.

"Sigurado ka sa gagawin mo ha Dylan?" Kumuha ito ng ilang latex paints, styro, paint brush, glue gun, at kung anu-ano pang abubot. He was carrying a basket, ang cute nitong tignan dahil ang laki nitong mama, dala dala ang basket.

"Opo ma'am, talent ko ito na matagal ko ng tinago, ngayon ko lang ilalabas. Yun nga lang, baka dapat itinago ko na. "

-to be continued-

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon