28

28.3K 548 19
                                    

28

Ang bagal kong magkaroon ng idea sa story na to….and since this one is an overdue story already, tapusin na natin...mga ilang chapters na lang....

****

Tumawag si Howard kay Sandy, may matutuluyan na raw ito at mas malapit sa site. Kahit papaano ay nalungkot siya, iba naman kasi siyempre kapag may kasama ka sa bahay at may makakakuwentuhan. Mabait naman kasi ang binata, gentleman, maasikaso dahil ang agang nagigising, sweet, para talagang si Dylan. Nalungkot na naman siya, bakit ba madalas naaalala niya si Dylan dahil kay Howard. Ang dami kasi nilang similarities.

Di kaya? Haiz! Erase..imposible naman yata.  Ang dami na talaga niyang naiisip, hindi na maganda. Nagulat siya nung paglabas niya ng gate ng school ay nandun si Howard, hinihintay siya.

“Hi Sandy! Sorry, di na kita na text.”

“Anong ginagawa mo rito?”

“Hinihintay ka, siyempre. Ihahatid kita pauwi.” Ang guwapo naman nito ngayon. Kahit pa may peklat ito, guwapo pa rin. Lalo na at ngingiti.

“Walking distance lang kaya ang bahay ko mula rito.”

“I know, kaya nga mag iikot muna tayo sa buong Nabunturan, bago tayo uuwi. Okay lang ba?”

Mamamasyal sila? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Bakit sinasabi ng isip niya na huwag pero ang puso niya naman ay nag aagree?

“Sige.” Sa wakas ay naisagot niya. ANg laki ng ngiti ng binata.

Loving A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon