Chapter 52

665 9 0
                                    


I saw how broken she is, and that's because of me. I broke her. pero ito ako tinitignan lang siyang tumakbo paalis sa paningin ko. Alam ko tanga ako, sobrang tanga ko.

" P*TANG*NA TY ! ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO ! " Sigaw sa akin ni Cake, Ty short for Tyler. I look at him with a straight face.

" Blame me, It's my fault " I said calmly.

*Booggssshh*

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig mula sa suntok ni Cake.

" P*TA SINABIHAN NA KITA ! WAG NA WAG MONG SASAKTAN SI RJ !!! PERO ANONG GINAWA MO !! " Sigaw niya bago ako makatanggap ng isa pang suntok sa kanya. Pinunasan ko yung dugo sa labi ko bago nila ako hilahin palabas ng school.

" Cake tama na !! " Sigaw ni Jade, pero sa tingin ko walang makakapigil kay Cake ngayon.

Nang makarating sa parking itinulak niya ako sa kung saan, pero ito padin ako kalmado, tinatanggap mga suntok at mura nila. Totoo naman e na gago ako.

" Ang gag* mo ! Sinaktan mo yung nagmahal sayo ! " Sigaw sa akin ni Tristan bago ako tuhudan at maglabas ulit ako ng dugo.

" P*tang*na isa pa, kulang pa " Natatawang saad ko.

" Oo gag* hindi pa kami tapos sayo ! " Sigaw ni Liam bago siya naglabas ng kutsilyo sa tagiliran niya. Napangiti, siguro kung papatayin ako ngayon okay na yun. Atleast nabayaran ko yung kasalanan ko kay RJ.

" Liam ! Sh*t ! Wag mong gawin yan !! Maawa ka naman sa amin anak mo ! " Sigaw ni Ayesha habang umiiyak, siguro kung wala kami sa ganitong sitwasyon natatawa na ako ngayon.

" Sige, patayin niyo na ako ---

" Sinong nagsabing papatayin ka namin ? Edi kami ang pinatay ni RJ pag nagkataon " Natatawang saad ni Mandy, nagtataka man pero inalis ko yun.

" Tumayo ka na dyan ! Ang dumi tignan ! " Utos sa akin ni Tristan, napangiti ako. Pilit akong tumayo pero tinulungan ako nila Shane habang hindi din mapigilan ang ngiti.

" Oh ! " Sigaw ni Cake bago ako batuhin ng shirt niya, napailing ako.

" Kahit sinaktan mo yung bunso namin, kaibigan ka pa din namin " Nakangiting saad ni Shane, gumanti ako ng ngiti sa kanya bago ako bumwelong huhubarin yung uniform ko.

" Oy oy oy! Ano yan ! Maghuhubad ka sa harap ng Girlfriend ko ? Butasan kaya kita sa tagiliran ? Shane dito ka !! " Natawa ako sa sigaw ni Tristan, natatawang tumango lang ako kay Shane bago siya lumapit kay Tristan at kurutin ito sa tagiliran.

" Hoy ! Butete dito ka ! Buntis kana humaharot ka pa ! " Tawag naman ni Liam sa buntis niyang Girlfriend.

" Ikaw ? Dyan ka lang ? " Tanong naman ni Cake kay Jade na naka kapit sa braso ko.

" E kung tinutulungan niyo kaya to ! Binugbog niyo tapos damitan hindi niyo magawa ! E kung hindi kaya kausapin dyan ? " Pagtataray ni Jade.

" Ito na nga po e, Oy ! Tulungan niyo ko dito ! " Wika ni Cake bago ako lapitan. Natawa ako, kahit mga gag* kami tumitiklop din kami pagdating sa mga girlfriend namin. Pero sa ngayon sila muna.

" Kelan pa dinamitan ng mga nambugbog yung mga binugbog nila ?" Tanong ni Liam na ikinatawa ko. Suraulo, nasa ganito na kaming sitwasyon nagagawa niya pang magpatawa.

" Gago !! " Sabay sabay na sigaw namin.

Nauna nang nauwi yung mga babae, dumiretso na lang muna kami sa bar para kahit papano makapag boystalk. Siguro kailangan nila ng paliwanag sa nangyari kaya ito nanaman ang mahaba habang kwentuhan at paliwanagan.

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon