Chapter 39

855 25 0
                                    


Natutulog ako ng may naramdaman kong pumasok sa kwarto ko. Pero dahil sa tinatamad akong mag angat ng tingin o kahit dumilat man lang pinabayaan ko na lang.

Bumangon lang ako ng nang hindi na ako makaramdam ng kahit anong antok. Umupo ako sa kama ko at tinipa ang cellphone ko.

From: Jesse ♥

Goodmorning Myloves ! :)

I sighed. Lately feeling ko nahuhulog na ako sa kanya scratch that. Nahulog na ako sa kanya. Everyday hindi siya pumalya na iparamdam sa akin na spesyal ako sa kanya. This week hindi siya nag absent sa pangungulit sa bahay man o sa school. I admit natutuwa ako at higit sa lahat kinikilig pero this feeling, Baguhan pa ako e. Feeling ko hindi pa ako ready.

Nagpunta ako sa banyo para mag morning routine. At sa mismong tapat ng pintuan ng banyo ko, sa paanan ng kama ko may nakalapag na bouquet of rose.

Kinuha ko ito. It is a bouquet of red rose. I smiled I told you hindi siya pumapalya. Naiiling na inilagay ko yun sa study table ko. Siguro magpapaakyat na lang ako ng vase kay Mama.

Naupo ako sa kama at saktong may kumatok sa pintuan ko. Iniluwa noon si Mama na abot tenga ang ngiti.

" Goodmorning Ma " Bati ko at humalik sa pisngi niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kwarto ko at natigil siya sa mga rosas na inilapag ko sa study table ko.

" Hindi talaga siya pumalya " Nakangiting saad ni Mama. Tumango at lumapit sa kanya.

" I miss those moments na ganito sa akin ang Papa mo " Sabi habang tumatawa.

" He never fails to surprise me, He never fails to make me smile and laugh. He showed me the true of love. Oh god how I love your father " Sabi niya ng hindi maalis ang tingin sa rose. I chuckled si Mama nagsusumixteen.

Umupo siya sa kama ko kaya sumunod ako sa kanya.

" I'm happy for you " She said and held my hand.

" Ma " Saway ko, nagda drama nanaman po ang Nanay ko.

" Okay okay, Baba ka na magbe breakfast na " Sabi niya, tumango ako at lumabas na ng kwarto.

Hindi na ako nagtaka ng makita ko siya sa sofa na nakikipagkwentuhan kay Papa. Nagtaas siya ng tingin sa akin at nginitian ako. Naku ! Hindi niya ako madaan sa pamatay na ngiting yan.

" Aba Mr. Garcia, hindi mo naman ako ininform na border ka na pala dito sa bahay namin ? Tss palit kaya tayo ng bahay ? " Sarkastikong saad, bahagyang natawa sila pareho ni Papa.

" Ang aga naman mag sungit ng anak ko " Natatawang saad ni Papa at hinalikan pa ako sa noo.

" Ang aga naman mag sungit ng Myloves ko " Sabi naman ni Jess at naglakad papunta sa akin. Balak niya sanang gayahin ang ginawa ni Papa kundi lang siya hinawi sa muka nito.

" Oh oh, hindi ka pa sinasagot e " Natawa ako sa kakulitan ng dalawa. Nagkasundo na sila.

" Ako pa ! Kelan mo paliligawin si Jade dito sa bahay " Sabi Kuya habang nasa hapag kami. Natawa kaming lahat.

" Siraulo ! Ikaw nga dapat ang umaakyat ng ligaw sa girlfriend mo ! " Saway ni Papa.

Naiiling na lang ako habang kumakain. Ang sarap magkaroon ng makulit na Tatay, Kuya at Manliligaw. Hindi pwedeng hindi ka ngingiti. Kaya siguro ako napagkakamalang Tomboy kasi lagi kong kasama sila Liam, or kasi lalaki na ako kung umaasta ? I chuckled. Pareha.

----------------

Same boring day nanaman. Kaya yung iba tinatamad ng pumasok e, walang kaexa excitement tong mga Prof namin.

Syempre dahil boring hindi ko na ike kwento diba ? Magkasama kaming naglalakad ni Jade papunta sa Cafeteria ng madaanan namin ang Bulletin board.

UNIVERSITY WEEK

1. All students are required to join all the activities provided by the university.

2. Every Club must provide booth's for their fund.

3. All must wear unity T-shirt according to their courses..

" Anong pakulo to ? " Takang tanong ko kay Jade, nagkibit siya.

" Hindi naman ako nainform ng Journalism e " Sabi niya

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Darryl. He's running while looking intently at Jade na halatang nagi iwas ng tingin sa kanya.

" Rj, may unity shirt na tayo " Balita niya habang hingal pa.

" Oh ? Where ? "

" Quarters, bayad na ni Pres yung iyo. Punta na lang kayo dun para makuha niyo sige " Sabi niya at nagpatuloy na sa pagtakbo.

" Hey, you having an affair with Darryl ? " Mapang uring tanong ko, nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin pero tinaasan ko siya ng kilay.

" No I'm not ! " Depensa niya, humalukipkip ako sa harap niya. The nerve ! I expected si Kuya pa ng magloloko pero siya pa pala ? My gosh !

" I'm not Rj okay ? It's just that --

" That, what ? " Tanong ko, aba hindi niya ako madadaam sa eksplanasyon ! Mahal ko ang Kuya ko at ipaglalaban kp ang karapatan niya !

" Seryoso naman si Kuya sayo ah ! What made you do this ? Sinikap ka niyang ligawan kahit maisumpa sumpa mo siya non ! But this ! My god Jade this is not what I expected you to do ! Ni wala sa hinaga -- Aw ! " Hiyaw ko, sampalin ba naman ako ! Sakit kaya umikot ng 90 degree ang ulo ko !

" Manahimik ka kasi ! " Sigaw niya, holy crap ! Siya pa ang naninigaw.

Hinila niya ako paupo sa isang bench, at matamang tumingin sa akin.

" It's not what you think okay ? " She said, oh screw her ! Yan ang common line ng mga nanloloko right ? 'It's not what you think' pero yung totoo yun talaga yun. Sheet lang, ang sarap lang ibaon sa kailali laliman ng lupa diba ?

" Ay naku Jade ! Kabisado ko na yan ! Siyam tayong magkakaibigan, well isama na natin si Jess. Sampu tayong magkakaibigan ! Sa tingin mo sa limang mokong na lalaking yun hindi ko narinig yan ? Oh scratch the nonsense here ! " I said hysterically.

" Gaga ka talaga ! Ang OA mo ! " Natatawang sabi niya.

" Aba't tuwang tuwa kapa ! "

" Nakakatawa ka kasi " She said laughingly, Wow lang.

" E bakit may paiwas iwas ka ng tingin kay Darryl huh ? Hindi ka magi iwas ng tingin kung wala kang ginagawang masama ? "

" Do you really want me to tell you ? " She said, tumango ako. Yumuko siya palapit sa akin.

" I caught him making out " Sabi niya ng pabulong.

" With whom ? " I asked.

" Queenie " I gasped in surprised.

Tomboy meets GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon