Chapter XXIII : The Girl and Her Feelings

79 10 7
                                    

I saw Luke move towards me. His eyes not leaving mine. Nangungusap ang mga ito. Parang bumagal ang takbo ng oras habang sa loob ng puso ko ay may nagkakagulong mga kabayo.

Is he going to....

K i s s m e ?

Slowly Luke leaned forward reaching my face. Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Parang sira na pumikit ang mga mata ko. At naramdaman kong dumampi ang...

Dumampi ang mukha ko sa dibdib ni Luke. Niyakap pala niya ako. His right hand cupping my head while his left hand is softly placed at my back.

"Not now." Narinig kong bulong ni Luke.

Bakit ka pumikit?! Hayay!

Binatukan ko ang sarili sa isip. Bakit sa dinami-rami ng pwede kong gawin ay ang pagpikit pa ng mata ang naisip ko!

Napahiya ako ng kaunti.

Bumitaw si Luke sa pagkakayakap at tumayo. "A- let's go? Hatid na kita sa inyo." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako at nagtungo sa desk ko para kunin ang bag ko at patayin ang laptop.

Tahimik ko siyang sinundan. Madilim pa sa labas at walang katao-tao. Nag-taxi lang pala siya kagabi kaya heto nagpresintang siya na raw ang magda-drive.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi umiimik si Luke at mukhang malalim ang iniisip.

Sobrang linis ng kalsada dahil wala pa gaanong motorista. Safe naman kaming nakarating sa bahay. Hindi na siya tumuloy sa amin at nagpaalam nalang sa may pinto.

"After this project Icay, I'll defintely say it to you." Nahihiyang sabi ni Luke. Hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Hah?" Naguhuluhang sabi ko. Pero nagmamadaling umalis si Luke.

AFTER ng gabing iyon naging professional ang pakikitungo ni Luke sa akin. Pero hindi makakaila na ipinaparamdam niya sa akin sa espesyal ako sa kanya.

Madalas dinadalan niya ako ng lutong ulam bilang pananghalian ko sa office. Kapag galing ang team sa out of town shoot ay siya ang nagda-drive sa akin pauwi.

Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan. Nasa huling linggo na kami sa pagfinalize ng Ad. Sobra akong naging masaya kahit na may mga sandali na nakaka stress.

After office hours na pero nandito pa rin ako kaharap ang laptop ko. Nakarinig ako ng marahang pagkatok sa may pintuan. Nagtaas ako ng tingin at nasilayan ang naka ngiting si Luke.

Lihim akong natuwa. Feeling ko nawala ang pagod ko sa nagdaang mga araw.

"Yes?" Medyo masungit na tanong ko sa kanya.

"Hi." Matamis na bati ni Luke sa akin. Mabilis siyang nakarating sa table ko.

"Are you busy the night after tomorrow?" Diretsong tanong niya sa akin.

"Err- Saturday night? Bakit anong meron?" Sagot ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang pagta-type.

Lumapit si Luke at kinuhaang kamay ko. Nabigla ako noong una. Uminit Na naman ang mga pisngi ko. Iling nalang ang naisagot ko sa kanya. Lately iba na talaga ang nagiging epekto ng pressence ni Luke.

"Good. 'Cause you're my date at the gala." Mabilis na saad ni Luke. Bago pa ako nakapag tanong o naka hindi ay wala na sa paningin ko ang kausap.

Seriously Luke, ano bang gusto mo talaga?

Date daw.

Gala. For what?

Bigla kong naalala na sa business industry din umiikot ang mundo ni Luke after he lost both parents. Baka corporate event.

Balik ulit tayo sa 'date' na term. Manliligaw na ba siya? Napailing ako. Nasabi naman noon ni Luke na gusto niya ako pero noon 'yon. After ng incident sa Casa hindi ko na narinig si Luke na nagsabi about sa bagay na iyon.

Hindi naman ako masyado manhid para hindi mapansin ang efforts niya.

Pakiramdam ko dahil kay Luke ay napagtagumpayan ko 'yong lungkot ng maiwan ng minamahal.

At sa totoo lang parang bibigay na itong puso ko.




Fix You Miss No GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon