Chapter XVI : Somehow

101 24 16
                                    

A/N: Thank you AriaSevenFire. Na-appreciate ko iyong message mo sa akin.

May tatlong linggo na ang naka lipas nang umuwi ako galing Casa Mirabella. Napa-aga ang balik ko sa opisina.

Medyo may nagbago naman. Somehow hindi na ako nakakaramdam ng pananamlay.

From time to time kinakamusta ako ni Agnes. Hindi tungkol sa work pero tungkol sa pag cope ko.

Finally last day of the week. Pag gising ko wala na si Sanie sa bahay.

Mukhang may maagang lakad si sis.

Normal Friday morning drive patungong opisina. Excited ang bawat empleyado kasi weekend na at rest day.

After ng stressful five days sa office finally makaka-sama na nila ang mga mahal nila sa buhay, makaka-bonding ang mga anak, makaka-date na ang mga special someone nila.

At higit sa lahat, para sa katulad kong single, quality time. In short, alone time.

Habang paakyat ng gusali ay iniisip ko kung anong Korean Series naman ang papanoorin ko pag uwi.

Naging komportable ako sa ganitong setup. Every weekdays, pasok sa office tapos uuwi para matulog. Every weekends naman ay kain-nood-kain-tulog.

Somehow it made my inner self peaceful.

"Pero sis, are you living your life to the fullest? E baka akala mo okay na, hindi pa pala."

Naalala ko bigla ang mga nabitawang salita ni Sanie nang abutan niya akong nanonood ng series.

Am I really living? O para na akong robot na predictable ang ginagawa.

Pag pasok ko sa loob ng opisina ay binati ako ni Sheila.

"Hello Icay!"

"H-hello Sheila..." Nabigla ako sa pag bati niya sa akin. Masyado siguro akong nadala ng pag iisip ko.

Nilapag ko ang bag sa table at umupo.

Deep breath Icay.

Ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim.

"Coffee for Miss Lagman?" Boses lalaki.

Nasamid ako sa sariling hangin. Bigla akong dumilat at hinanap ang may ari ng boses.

Parang may mga nagliparan sa tiyan ko. Bigla-bigla naging alert ako at na-excite.

"Here!" Itinaas ko ang kanang kamay para madali niya akong makita.

Lumapit ang isang lalaki na may hawak ng coffee. Matikas siya pero bakit naka-sombrero?

Tumayo ako at sinubukan kong silipin ang mukha niya. Pero bago ko pa man nagawa iyon ay nag taas na siya ng tingin.

"Hi. Coffee po from CoffeeHouse. We're located po sa 3rd Floor." Nginitian niya ako at inabutan ng papel para sa receiving copy ko.

Hmp. Promo pala. Akala ko naman...

Nabigla ako sa naisip.

Was I?
Was I expecting something else?
Someone else?

Iniling ko ang ulo para mawala ang huling naisip.

"Thank you." Nagpasalamat ako at tuluyan na siyang umalis.

Umupo ulit ako at sinipat ang Coffee para tignan ang note na nakalagay dito.

Fix You Miss No GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon