Chapter XV : Running Away

110 23 20
                                    

Gustong-gusto ko na magmove-on.
Pagod na pagod na akong malungkot..

Matakot sa nakaraan..

Gusto ko na sumaya...

Naka titig pa rin sa akin si Luke. Naghihintay ng sagot ko.

Pero paano ko gagawin yon ng hindi ko masasaktan si Alex. My dear Alex.

Unti-unting umatras ang mga paa ko. Tumakbo ako papasok ng veranda patungo sa kuwarto ko.

Hindi ko na nilingon si Luke. Hindi ko kayang makita ang naging reaksyon niya.

Isa ito sa ikinagu-gulo ng isipan ko. Bakit parang nasaktan rin ako nang iwanan ko siya.

Tama na Icay.

Marahan kong isinara ang pinto. Nakatayo lang ako sa likod nito at hawak-hawak ang dibdib. Nahirapan akong huminga kai-iyak.

---------------------------------------

Nagpasya akong umalis ng Casa Mirabella. Mabigat ang loob ko dahil hindi man lang ako nakapag paalam kay Camilla at nagmamadali akong nakipag usap kay Mang Hector.

Wala pang alas singko kaya madilim pa ang daan.

Babalik na ako ng Manila para bumalik sa dati kong buhay. May tatlong araw pa sana ako sa Casa pero tinapos ko na agad iyon.

Sinungaling! Ang sabihin mo tinapos mo na kasi tumatakas ka!

Nakakatakot kasi kinakausap ako ng konsensya ko.

Hindi ako nagpaalam kay Luke. Hindi ko siya binigyan ng sagot. Hindi ko siya binigyan ng chance.

"..spare me that chance"

Napabuntong hininga ako sa naisip.

Ano bang nangyayari sa akin?
Akala ko kapag umalis ako mas gagaan ang pakiramdam ko. Pero bakit parang mas malala...

Maayos ang ng daloy ng biyahe ko pauwi ng Manila. Wala masyadong sasakyan kaya walang traffic.

Si Sanie agad ang unang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Naka bathrobe siya at nagka-kape.

"Sis?" Gulat ang rumehistro sa kanyang fresh na mukha.

"Hi..." Mahinang bati ko. Nagtuloy ako sa loob at ibinaba ang mga dalang gamit.

Simula noong aksidente ay siya na ang nakasama ko. Umalis ako sa amin kasi lagi kong naalala si Alex sa bahay. At isa pa, minsan biglaang umuuwi ng Pilipinas si kuya. Hindi pa rin kami nag-uusap.

"Oh bakit nandito ka na? Wala kang pasabi na jujuwi ka na." Tumayo siya at nakipagbeso.

"..eh kasi miss na kita. Ako ba hindi mo na-miss?" Nagpa-cute ako sa kanya. Pero nagiwas ng tingin nang titigan ako ni Sanie.

Tinignan ako ni Sanie mula ulo hangang paa. Hinawakan sa magkabilang braso at sinuri ang bawat anggulo ko.

Isang mapait na ngiti lang ang naibigay ko.

"Hey..what's up with you?" Biro ko sa kanya.

Pinanliitan ako ng mata ni Sanie at tinaasan ng kilay.

"Hey-hey ka dyan. Anyare? 'Yong totoo Veronica?" Seryosong saad ni Sanie.

Lagot na! Huli na naman ako kay Madam.

"Wala. Napa-aga lang talaga ang balik ko kasi may nakalimutan akong asikasuhin di-to."

"Iyong totoo? Eh bakit para kang tumakas lang?!"

"Hah? Ano ka ba anong tumakas - saan?" Natatawa kong sabi. Pumunta ako sa lamesa at nagsimula akong magtimpla ng kape.

Sinundan ako ng tingin ni Sanie.

"Kung hindi ka parang tumakas e bakit naka shorts ka lang at tee shirt?"

Napatingin ako sa suot na damit. Nagmamadali akong umalis kanina habang maraming tumatakbo sa isipan kaya itong pambahay nalang ang nai-suot ko.

"Uso yan sis. Freshness."

"Pati flip flops?"

"Yes.. Wag ka mahal ang mga iyan." Pagbibiro ko sa kanya at na nalangin na itigil na niya ang panunuri sa akin.

"Wag ka nga Te. Hindi ka lumalabas ng bahay na naka-shorts lang!"

Huli. Alam ni Sanie ang style ko ng pananamit. Sa itinagal naming magkasama sa bahay alam niya ang detalyeng ito.

"Spill it. Magle-leave ako for today kaya ihanda mo yang story mo." Utos niya sa akin bago pumasok sa silid. Narinig ko na lamang na may kausap na siya sa cellphone.

Pag labas ng silid ay hinila niya ako sa sofa at sinimulan kong magkwento.

Ganito kami. Share dito. Share doon.

Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan dahil siya ang unang takbuhan ko kapag may problema ako. Advantage ang hindi pagiging bias ng advice niya sa akin. Parehong perspective ng lalaki at babae ang meron siya.

Ikinuwento ko sa kanya lahat-lahat. Simula ng makita ko si Luke noong unang beses hangang sa kantahan niya ako at ang pag-amin nito sa feelings.

"OMG! Tumakas ka nga!" Pinalo niya ang hita ko.

"Ano namang gagawin ko doon? Lalo pa naroroon si Luke."

"Wag ka nga! Sayang sis~"

"Ang alin?"

Inirapan lang ako ni Sanie sabay kuha sa cushion sa tabi.

"Ay nako ha. Ang haba ng hair mo." Tumayo siya at nagtungo sa kusina.

Ako naiwan sa sofa at nakatulala.

Sayang nga ba talaga?

"Ay nako Icay. If I know tumakas ka sa opportunity na maging masaya kasi feeling mo nagtataksil ka kay Alex."

Spot-on...

Napaka honest talaga ni Sanie at straight forward. Kaso minsan sa sobrang totoo ng sinasabi niya nasasaktan ako. Lalo na kapag tungkol kay Alex ang usapin.

"Sis, wala na si Alex. Suma-langit nawa." Tumingin pa siya sa kisame.

"At I'm sure he'll want you to be happy. Again."

Isang makahulugang tingin ang sunod na ibinigay ni Sanie sa akin.

Fix You Miss No GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon