Binuksan ko ang pinto ng kotse at pinapasok si Ara tapos umikot ako papuntang driver’s seat. Pinaandar ko na ang kotse at 5 minutes later, nasa daan na kami papuntang hospital.

“Ah, Thomas? Pwede bang dumaan muna tayo sa flower shop?” Biglang tanong sa’kin ni Ara.

“Sure. May flower shop naman na malapit lang dito.” Nag-left turn ako tapos hininto ko na ang kotse sa tapat ng isang flower shop.

“Thomas, pwede bang samahan mo ako sa loob?”

“No probs. Yun lang pala.” Bumaba na ako ng kotse. Ipagbubukas ko pa sana ng pinto si Ara kaso nauna na siyang bumaba. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya papasok sa flower shop.

Habang nasa loob kami, hinayaan ko lang na si Ara ang mamili ng mga bulaklak na ibibigay niya total siya naman ang talagang nakakakilala ng nasa ospital. Pero halos mga 30 minutes ang lumipas at  nang tingnan ko si Ara, akala ko’y nakapili na siya pero nakatingin lang siya  sa mga naka-display na rosas at nakatulala.

“Hoy!” Nakapag-decide na lang akong lapitan siya.

“Ay Chini-” Nang makita ako ni Ara, agad niyang tinakpan ang kanyang bibig para di niya matuloy ang dapat niyang sasabihin. Kunwari pa siya, halata namang habit na talaga niyang sabihin ang chinitong demigod. Inaasahan ko nang magiging defensive na naman siya pero hindi na niya pinalaki ang issue.

“Nakapili ka na ba? Kanina pa tayo nandito ah…” Sabi ko sa kanya.

“Uhm… actually, hindi ko kasi alam kung anong klaseng bulaklak ang pipiliin ko.”

“Pwede ba ‘yun? Akala ko ba kakilala mo na talaga ang bibisitahin natin? Teka, kilala ko ba kung sino siya?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Thomas, pwede bang ikaw na lang ang pumili ng bulaklak?” Sa halip na sumagot ay binalikan lang ako ng tanong ni Ara.

“Ha? Bakit ako? Baka hindi niya magugustuhan ang mapipili ko.”

“Kung ano ang gusto mong bulaklak ay ‘yun na rin ang gusto kong bulaklak na ibigay sa kanya.” Sagot sa’kin ni Ara at naglakad na siya palayo bilang hudyat na tapos na ang aming diskusyon. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at namili na ako.

Napansin kong naiinip na si Ara. Wala naman akong ibang alam sa pagpili ng bulaklak kaya binili ko na lang ang klase ng bulaklak na gustong-gusto ni Arra. Ito ‘yung orchids na palaging nagpapasaya sa kanya tuwing binibigyan ko siya nito. Pagkatapos kong bayaran ang mga bulaklak, bumalik na kami ni Ara sa sasakyan at nagsimula na akong mag-drive patungo sa ospital.

Ara

Alam kong kanina pa maraming tanong ang naglalaro sa isip ni Thomas. Hindi ko naman siya magawang sagutin dahil kahit ang isipan ko ay gulong-gulo rin. Pero sa kabila nun, pinilit kong itinataago sa kanya ang katotohanan. Tuwing tumitingin siya sa’kin, nginingitian ko siya at sinusubukan kong kausapin siya tungkol sa kahit anong topic.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon