"Si Grace ang babaeng nasaksihan mong pinatay Zein."

Lumunok ako nang mapagtanto ang sinabi ni Onel. Sya ang gumawa non? Isa ba syang myembro ng BBG?

"Huwag please." Lumuhod ito sa harap ni Ace na ikinatawa nito.

Is this how evil Ace is? Pero demonyo rin naman ang lalaking ito para pumatay ng isang tao. Evils.

"I won't tell her unless you go inside of DHJ, now!"

Mabilis na tumakbo ito sa loob kasabay ng paglock ni Supremo sa pinto. Wala kaming narinig na kahit na anong ingay. Anong nangyari?

"This is our job Ms. Zein, kailangan nating patayin lahat ng makasalanan. Kailangang mawala lahat ng dapat mawala."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila na ngayon ay pabalik na. Muli kong sinulyapan ang DHJ, hindi ko alam kung ano ang nakita ko pero sigurado ako, may iba pang tao sa loob non.

Kinilabutan ako kaya mabilis na humabol ako sa kanila.

"The President is the one who implemented that punishment." Sabi ni Onel na ngayon ay nakangiti na, parang wala lang sa kanila ang nangyari.

Si Ace? Sya ang gumawa ng parusang kamatayan na ito? Pero bakit? God! Nakakakilabot ang isang halimaw na ito. Mas magiging maingat na ako ngayon sa kanya. Ayokong mangyari sa akin kung ano ang nangyari sa lalaking iyon.

"Supremo! Supremo!"

Natigilan kami sa paglalakad nang harangin kami ng isang babae na ngayon ay nakaluhod na sa harap namin.

"Asan na po si Ferry? Supremo, please, asan na po sya?" Tanong nito.

Si Ferry ay ang lalaking nahatulan kanina.

"He's gone." Matigas na sagot ni Ace.

Humagulgol ito ng iyak kaya nilapitan ko na ito. Inakay ko sya papunta sa isang bench. Umalis lahat ng nakaupo roon matapos akong makita.

"N-Number 9? Isa ka rin sa kanila!" sigaw nito.

"Sorry." Ang tanging sagot na nasabi ko.

"S-Sorry?" Tanong nito na halatang nagulat. "Nagso-sorry ka?" Tanong nito.

"Patawad. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Ferry." ulit ko.

"Kasama ka sa Highest 10! You shouldn't say sorry! Secretary ka pa! Lahat ng mataas ay hindi humihingi ng tawad!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Kagagawan ng isa, apektado kami. Ngayon ay naikukumpara na rin nila ako sa mga demonyo. Psh.

"Anong pangalan mo at kaano-ano mo ba si Ferry?" Pag-iiba ko ng topic.

Pinunasan nito ang kanyang mata bago tumingin sa malayo.

"Ako si Jane at si Ferry ang aking boyfriend." Malungkot nitong saad.

Boyfriend nya sya? Ang babaeng ito ba ang tinutukoy ni Ace? Pero bakit ganon ang naging reaksyon ni Ferry nang tinakot sya ni Ace na sasabihin kay Jane na pinatay nito si Grace?

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinatay nila ang nag-iisang bestfriend kong si Grace, tapos ngayon ang boyfriend ko naman."

SHIT! Bestfriend nya si Grace na pinatay ni Ferry na boyfriend nya? Kaya pala ganoon ang naging reaksyon nya ng tinakot sya ni Ace? Pero, bakit kaya nya pinatay si Grace? Anong rason nya?

"Anong pangalan mo binibini?" Tanong sa akin ni Jane.

"Zein." sagot ko.

"Kayo ang newbie hindi ba? Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit nagkaroon ng bago rito." sambit nito.

5 years ago? May mga napadpad na rin dito? Panibago na namang tanong na kailangan kong hanapan ng sagot. "Anong nangyari sa kanila?" tanong ko.

"Namatay. Lahat." sagot nito na ikinatayo ng balahibo ko.

Posible kayang sapitin rin namin ang sinapit nila? Nakakatakot.

"Pero sa unang pagkakataon, nagkaroon ng kapayapaan sa HU. Sa unang pagkakataon ay natigil ang pagdanak ng dugo. Dahil iyon sa kanya." sambit muli ni Jane.

Sino sya? Isa rin ba sya sa mga bago noon? Anong ginagawa nya? Bakit naging maayos ang lahat noon?

"Pero hindi rin nagtagal ang lahat. Lahat ay may hangganan, nagbalik ang lahat sa dati. Ang mas nakakatakot ay mas bumangis ang mga demonyong noon ay maamo."

Wala akong maintindihan! Ano ba talagang nangyari noon?

"Ate Zein, ang babaeng iyon ay matagal mo ng nalamangan." sambit nito na ikinakunot ng noo ko. "Naging myembro sya ng Highest 10 dalawang buwan matapos ang pagpasok nila rito, ikaw, wala pang isang buwan. Ang pinagkaiba nyo lang ay nainlove sa kanya ang supremo na anak ng dating head master ng HU. Sige ate Zein, mauna na ako."

Pinanuod ko lang kung paano maglaho sa aking paningin si Jane.

Nainlove sa kanya ang dating Supremo na anak ng dating headmaster? Sino? Sino ang babaeng iyon? Sino ang dating Supremo? Sino ang headmaster na tinutukoy niya?

Paano silang lahat namatay? Anong mangyari, 5 years ago?

Hell University (PUBLISHED)Where stories live. Discover now