CHAPTER 1

14.9K 318 0
                                    

**ASHLEY YUMI POV**

Iyak lang ako ng iyak, walang tigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit' paghihinagpis at galit. Sakit sa pagkawala ng mga magulang ko. Hinagpis dahil kahit kailan man hinding hindi ko na makakasama at mayayakap ang mga magulang ko. Galit sa mga taong kumuha sa buhay ng magulang ko.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng bumukas ito at iniluwa si cassy. Yaya ko siya matanda lang siya sa akin ng isang taon. Kaibigan' kapatid na ang turing ko sa kanya. umupo siya sa tabi ko at niyakap ako, lalo ako napahagulhol ng iyak sa pagyakap niya sa akin.

" c-cassy *huk* pa-paano na ako ngayon, wala ako ibang pwede puntahan " saad ko sa boses na nahihirapan. Hinagod niya ang likod at pilit na pinapakalma ako sa pag iyak

" sssshhhh alam kong makakaya mo ito. Wag ka mag-alala andito lang ako hindi kita iiwan " lalo ako napaiyak dahil sa sinabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin' pinunasan niya ang luha kong ayaw paawat sa paglabas mula sa mga mata ko.

" isa lang ang naiisip kong paraan ashley, ayaw kitang iwan dito sana pumayag ka " nakatingin lang ako sa kanya.

" ano yung paraan na tinutukoy mo " kapag kuway tanong ko. Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita

" gusto ko sana sumama ka sa akin sa probinsya, duon ka lang maaaring maging ligtas " nag-aalalang sabi niya sa akin. Napatigil ako at nag-isip sa sinabi niya. Napansin siguro niyang natahimik ako kaya nagbuntong hininga siya at tumayo

" iiwan muna kita para mapag isipan mo ang alok ko sayo. Magluluto na din ako para makakain ka " ani nito at lumabas na sa kwarto

Nakatitig lang ako sa kisame. Ilang beses kong pinag isipan ang sinabi ni cassey sa akin, ayaw ko iwan ang bahay na ito' puno ito ng mga masasayang alaala namin ng magulang ko. Kapag kuwan tumayo na ako at napag pasyahan ko ng lumabas at dumerto sa kusina na kung saan andun si cassey.

" cassey sasama ako sayo " nakangiti kong sabi. Nagulat man agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko hinila ako at pinaupo sa harap ng hapag kainan.

" masaya ako kasi pumayag kang sumama sa akin " nakangiting sabi niya " masaya duon ashley sariwa ang hangin at mababait ang mga tao duon, hindi gaya dito na mga matapobre " napatawa ako sa sinabi niya " kain na tayo para makapag ayos na tayo ng gamit. Bukas na bukas aalis na tayo dito " tumango na lang ako bilang sagot.

Ng matapos na kami kumain tinulungan ko siya maghugas ng plato at magligpit ng mga pinagkainan namin, ayaw pa nga sana niya pero nagpumilit ako kaya wala na rin siya nagawa, pinabayaan na niya ako. umakyat na kami sa kwarto at nagsimula ng mag impake ng gamit ng matapos na' nagpaalam na siya na matutulog na. Humiga na ako at pinilit na matulog kahit mahirap kasi dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga nangyari hindi ko mapagilan na hindi maiyak. Dala na rin siguro ng pagod at sobrang pag iyak unti unti na akong hinila ng antok at tuluyang nakatulog.

Pupungas pungas akong bumangon dahil sa mahinang tapik sa aking balikat. Nakita ko si cassey na nakabihis na at parang aligaga base sa itsura niya.

" Aalis na ba tayo " tanong ko

" oo, bilisan mo na at tumayo ka na diyan " mahinang sabi niya. Napakunot noo ako dahil sa kilos niya

" bakit? May problema ba cassey "

" hinaan mo lang ang boses mo ashley baka marinig nila tayo " lalong kumunot ang noo ko

" ha? Sinong sila "

" mamaya ko na sasabihin sayo. dalian mo na ashley, " hinila niya ako at tinulak papuntang banyo. Nagtataka man ako sa kilos niya pinagwalang bahala ko na lang at dali dali akong naligo at nagbihis bago lumabas ng banyo.

" tara na ashley nasa terminal na ang gamit natin pinadala ko na kanina kaya buknoy " tumango ako at aakmang bubuksan na sana ang pinto pero pinigilan niya ako, naramdaman ko ang panginginig at panlalamig ng kamay niya.

" cassey bakit? Anong nangyayari sayo may sakit ka ba "

" a-ashley sa bintana tayo dadaan, wag ka gagawa ng kahit anong ingay ha. Baka marinig nila na tatakas tayo " di mapakaling sabi niya.

" a-an--" diko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako papuntang bintana at dali dali kaming bumaba. May hagdan ng nakahanda at yun ang ginamit sa pagbaba. Ng makababa na kami hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinila papuntang gate ng makalabas na kami, tumakbo siya habang hila hila ako, ng malayo na kami sa bahay tumigil na kami sa pagtakbo hingal na hingal akong tumingin sa kanya. Napansin niya sigurong nakatingin ako na parang nagtatanong kaya bumuntong hininga siya at hinila na ako para maglakad

" sasabihin ko sayo kapag nasa bus na tayo. Ang gusto ko lang sana ashley pagkatiwalaan mo ako ha " naguguluhan man ako sa akto niya mas minabuti ko na lang na manahimik.

Pagkarating namin sa terminal ng bus dali dali kaming sumakay sa bus, palinga linga si cassey na parang may hinahanap napatigil siya at naglakad sa pinaka gitna ng bus. Nakita namin si buknoy na nakaupo sa pang dalawahang upuan . Tumayo s buknoy ng makita kami.

" cassey' maam ashley eto po ang ticket niyo at mga gamit niyo. Aalis na po ako " kinuha ni cassey ang ticket at nagpasalamat kay buknoy. Ng makababa na si buknoy sa bus umupo na kami. Nasa tapat ng binata ako pinaupo ni cassey, hindi rin naman nagtagal umandar na ang bus.

" ashley " kinalabit ako ni cassey kaya napabaling ako sa kanya

" cassey ano ba nangyayari. naguguluhan ako "

" sorry ashley " napakunot noo ako dahil sa sinabi niya, naguguluhan na nakatingin lang ako sa kanya. " may mga taong gustong pumatay sayo " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

" a-ano? Pero bakit nila ako papatayin " tuluyan ng pumatak ang luha ko

" hindi ko din alam ashley, sinabi lang sa akin ni buknoy ito. Narinig daw niya si mang canor na may kausap na, mamayang gabi ka nila balak patayin kaya ngayon ko napag desisyunan na umalis para sa kaligtasan mo. Nung nasa loob ka ng banyo nakarinig ako ng mga yabag, alam kong andun na sila sa bahay kaya paglabas mo sa banyo minadali na kitang umalis, sorry ashley  " nakayuko habang umiiyak si cassey. lalo ako napaiyak. Niyakap ko siya

" wala kang dapat ihingi ng sorry cassey ako ang dapat magsabi niyan kasi nalalagay sa kapahamakan ang buhay mo dahil sa akin. Patawarin mo ako. At maraming salamat dahil andiyan ka sa tabi ko at hindi ako pinabayaan " mahabang sabi ko sa kabila ng pag iyak ko. Ngumiti lang si cassey sa akin

Hindi ko maintindihan kung bakit ako gusto ipapatay ni mang canor. Si mang canor ay driver nila papa at mama, maayos naman ang pakikitungo namin sa kanya kaya kahit anong isip ko wala ako makuhang sagot sa dami ng aking mga katanungan sa aking kaisipan' iyak lang ako ng iyak parang ang hirap tanggapin ng mga nalaman ko. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko nakatulugan ko na ang pag iyak at pag iisip..

---------------

Follow me:

Twitter: @Blackangel10_
If ever na masesearch nyo yung isang account ko sa twitter' nalimutan ko na ang password nun haha kaya gawa ako bago ^_^

Instagram: @Blackangel104

ASKfm: @jyj6

Fb: https://m.facebook.com/Blackangel-Wattpad-Story-325132734794409/

Vote
Comment
Be a Fan

Thank you :*

Mafia Prince Wife ( ON-GOING SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon