Wizard's Tale 3: Chapter 24

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi tinigilan ni Rouel na pagaanin ang loob ko. And because of his comforting words, I'm slowly feeling all right. Pinunasan pa niya ang mga luha sa mata ko at hinawi ang buhok kong humaharang sa aking mukha.

"I trust you," simpleng mga salita ngunit sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nawala ang bigat na nararamdaman ko.

"Thank you, Rouel." Niyakap ko siya ng mahigpit.

At tinumbasan din niya yun ng mas mahigpit pa. "You know I'm always here for you."

Tuluyan ko na ring pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko. Nang magkatinginan kami, ngumiti na ako.

"There's that smile!" Sabi niya na para bang 'yun na lang ang inaabangan niya. Muli na siyang tumayo at, "Now that you're smiling, my work here is done. Kailangang iwan na uli kita."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Alam mo bang iniiwasan kita."

Gumaan na nga loob ko, pinabigat niya pa uli. "Pansin ko nga. Bakit mo nga ba ako iniiwasan?"

"Dahil baka tuluyan mo nang wasakin ang puso ko dahil nagbalik na 'yung Wizard." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Gusto kong matawa pero ang seryoso ng mukha niya. "Umaasa pa rin naman ako, mahal kong Prinsesa. Hangga't wala ka pa sa tamang edad ng kasal at hangga't hindi ka pa naba-bind sa Wizard na 'yun, pwede pang magbago ang isip mo."

"Rouel..."

"I'm a Prince. And a real Prince never gives up until he wins the heart of his Princess."

Nag-blush na ako nun, kaso may biglang sumabat.

"Sadly, she's not your Princess!" Naglalakad na palapit sa amin si Brylle. Nakataas ang kilay at parang naghahamon ng suntukan—pero 'wag naman sana. "Princess Yana is not meant for a Prince. Not to Prince Dustin, not to you and not even to the Prince of Darkness."

Pagkalapit niya sa amin, tiningnan niya ako at inakbayan.

"She belongs to a Wizard."

Maitutuloy ko na sana 'yung napurnada kong pagba-blush kanina kaso may isang boses na naman na muling sumingit. "Yes! Wizard din ako! May pag-asa pa ako!" Napairap kami sa epal na Wizard na si Sylfer at pinabayaan siya.

Muling itinuon ni Brylle ang atensyon kay Rouel at itinuloy ang kanyang sinasabi. "That Wizard is no other than me. Just me. Yana belongs to me."

"You're too assuming." Natatawang sagot ni Rouel na ang sarcastic ng dating.

Pero ginantihan siya ni Brylle na mas sarcastic pa tawa. "Truth hurts, Glaciever Prince."

"Hindi na talaga kayo nahiya! Sa harap pa kayo ng Prinsesa nag-aaway." Muling hirit ni Sylfer. Akala ko papagitna siya sa dalawa pero hinila niya lang ako. "Come with me, Princess Love. Mapapaaga ang gyera sa dalawang 'yan."

"Wag ka ngang makisali!" sabay na napabulyaw sina Brylle at Rouel.

Ngunit nagpapasalamat ako na nandito sila. Sa kabila ng sunud-sunod na problema, hindi pa rin kami nawawalan ng rason para ngumiti at umasa na magiging maayos din ang lahat. Pagsubok lamang ang lahat na malalampasan din namin.


* * *


Tatlong araw bago ang Second Dark War.

Tuloy pa rin ang pagdating ng iba't ibang angkan at mga Otherworlders upang ipakita ang kanilang suporta at ibahagi ang kanilang tulong sa nalalapit na gyera.

Naisip ko naman na ang paraan para makatulong ay ang magsanay habang may oras pa. Kahit na nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ni Milka at nalulungkot sa pagkawala ng Lux, ang manalo sa digmaan ang aayos ng lahat.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon