“Ano yun mahal ko?”-Zarren may tinig ng pagmamahal . Haha
“Ahm, tanong ko lang po kung ilan po gusto nyo?”- Anghel kunwari pang nahihiyang magtanong.
“Gustong?”- panggap na di gets.
“Gustong maging mini Zarren at Anghel.”- yiiiih, yun oh tanungan na ng ilan ang gustong maging anak..
“Ako? Hhmm ok na sakin ang dalawa..Ikaw?” –kunwari pang nahihiya. Dalawa lang daw? Weh.
“Hmm, ako hanggat kaya pa. Hehe.”
“Sira. Papahirapan mo pa ko.”
“Waaaah, syempre dapat lang na paramihin ko ang lahi namin diba? Sigurado kong gaganda at ggwapo ng mga magiging anak natin.” Waaaaah. Bakit parang ang sarap sa tenga??
“Bahala ka na, basta ko girl at boy lang ok na sakin.”
“Eh Pano nga kung puro girl, o puro boy, di wala ng tigilan yan. hehe. “
“Hay nako, feeling ko nga di ka pa ready magka anak eh.”- Zarren, parang nag hahamon lang ng bed scene. Nyahaha. Adik lang.
“Waaaah, bakit mo naman nasabi yan. May ipon naman ako ha. May bahay na ko, may stable job. Reyna ko nalang ang kulang. Sana lang pag niyaya ko ang mahal kong magpakasal, wag na syang mag pakipot. Kasi alam ko gusto rin naman nya. Hehe.”
“Yabang po. Ibig kong sabihin dapat maging mabait ka na sa mga bata. Wag mo na sila aasarin. Diba nga practice para sa mga magiging baby mo”-Zarren
“Naten.”-Anghel
“Naten. Di ba?”
“Practice ba mahal ko? Hmm, mukhang maganda yan ha. Sige pagp practisan ko sila. Hehe. Ikaw din magpractice.”
“Ng?”
“Nang matulog nang may katabi. Ay oo nga pala, nagpractice na nga pala tayo nung nalasing ka. Hehe. Wala bang nabuo nun mahal ko? Nagpa check up kana ba sa OB mo?”-bwiset lang.hehe.
“Waaah, epal naman mahal ko. Wala naman talagang nangyari nun diba??” –tinignan lang sya ni ANghel nang may pagnanasa. Haha, mga words eh noh.
“What?”-Zarren
“Hmm, wala nga eh. Sayang.”-Anghel hinayang mode.
(Zarren’s pov) Pwede pa naman part2 eh. Patay na.
“Alam ko namang wala eh. Pinagtripan mo lang ako nun. Pero-“
“Ano?”-Anghel
“Nakiss ata kita nung tulog ka.”- revelation ba to?
“Waaah di nga? Kaw ha. Sabi na eh. Kaya pala napasarap yung tulog ko nun. Hmmm, kaw din po nakiss ko..wahehe, pero di sadya, kasi nagbrown out eh di ko makapa yung kinakapa ko. Kaya ayun.”
“Weh? Ano namang kinakapa mo nun ha? Siguro minanyak mo ko noh?”- hanep ka Zarren, nasasabi mo ang mga words na ganyan. Di mo ba alam na pangmasa tong karog kaya bawal yan. tsk.
“Uy, hindi ah. Mejo lang. AHihihi. Nahawakan ko lang naman. Di sadya. Lambot nga eh.”- Anghel tama na, wag mo na patulan yang green vegie lover na si Zarren. Waaah. You mean nahawakan mo talaga Anghel? Kala ko pa naman bilbil lang yun.
Zarren- sabay kurot lang kay Anghel sa tagiliran. “Awww. Naman mahal sorry, di sadya yun talaga. Di na po mauulit.”-Anghel
(Zarren’s pov) Timang, wala naman akong sinasabing wag mo nang uulitin ah. Nyahaha.bastos lang.
Walanjo naman oh. Nu ba yan, nagiging wild na ata toh ah. Di ko to papayagan. Tong dalawang to kasi, buti napipigilan ko pa sila sa mga gusto nilang mangyari eh. Hehe.
Yun. Nagpaalam na sila para umuwi. Tas may bigla nalang dumating. Akalain mong makipag apir-an pa kay ANghel. Sino yun? Closed sila? Tsk, matatapos nalang ang chapter may gumaganon pa. hay..
“Wow, pareng Jam. Musta? Kelan ka pa dumating?”-Si Anghel nakipagbatian na dun sa girlalung Jam daw pangalan.
“Eto kahapon lang. Uy, pre bagong gupit tayo ah. Kelan pa yan?”-Jam, mukha namang friendly. Pero bakit ganon sya mag ayos, tomboy ba sya. Para kasing lalake umasta eh. Naka cap pa.
(Zarren’s pov) sinetch itey? Mukhang close na close kay Anghel to ah. Sino kaya tong Jam na to? Ano ang papel nya sa buhay ni Anghel? Kalaban ba sya o kaaway? Hmmm, malalaman ko rin yan.
“Nga pala Jam, si Zarren girl friend ko. Zarren, si Jam best friend at kinakapatid ko.”-Anghel, pakilala moment.
“Hi Jam. Nice meeting you.”- Zarren, nakipag kamay pa.
“Hi Zarren. Ang cute mo naman. ”- Jam may malagkit na tingin lang kay Zarren.Tomboy ba sya. Waaaah. Bakit tagal nyang bitawan kamay ni Zarren.. Yun. Di na nakatiis si Anghel, sya na mismo ang nagkalas ng kamay ng isa’t isa.
“Huy pre, girlfriend ko yan. Hehe. Selos lang. oh pano, kelangan ko nang iuwi tong mahal ko eh. Pagod na to. Ano labas tayo bukas ah. Treat ko.”-Anghel
“Sige ba. Swimming tayo kila Clark.”-Jam . Aba, at ka tropa rin pala nito si Pareng Clark. Tsk.
“Geh pre, alis na kami..”
Yun. Paalaman moment na kay Jam. Hay, teka, madescribe lang tong si Jam.
Totoong pangalan- Jamaica Francisco. Kinakapatid ni Anghel. Best friends daw sila mula pagkabata. Tas nung highschool naging mag kaka classmates sila nila Clark. Kaya mas lalo silang naging tropa. Hmm, sabihin na nating may itsura sya. Pero sayang lang at girls din ang gusto nya. Pareho sila ng tipo ni Anghel kaya nga diba kanina, bigla syang sinaway ni Anghel sa pagkakahawak nya ng kamay ni Zarren. Yun. Yun lang muna. Sa puntong to, pinag iisipan pa ni Zarren kung kakampi ba sya o hadlang sa relasyon nila ni Anghel. Para kasing naamoy niya ang lansa nito kanina eh. Waaah, me ganon. Eh bakit sa naamoy nya eh. Malay natin kung may tinatago pala tong Jam na to na kalandian. Diba? Nu nga kayang papel nya sa buhay ng ating mga bida? Siya ba yung tipong magsasabi sa dulo ng..itigil ang kasal? Wahaha, mukhang lumalalim na ata ang imahinasyon natin ah mga balbon.. Tama na muna. Ipahinga ang isip, patulugin muna ang diwa. Hanggang dito nalang muna ulit Charro. Nagmamahal, Karu..
End of Chapter10
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 10: angkan ng mga pogi..
Start from the beginning
