Chapter 10: angkan ng mga pogi..

Start from the beginning
                                        

Tsk. At pag tulungan daw ba sya ng mga bubwit na to. Haha, kahit pala minsan asar sila sa tito nila ay love parin nila.. Yiiih, sweet naman.

“Sige na nga, amin na.”- waaaah, sinipsip nga nya ang hintuturo ni Anghel.. Nyahaha, Sarap lang daw sa pakiramdam sabi ni ANghel. Hihihi, sa ulo ng mga balita. Girlfriend, sinipsip ang daliri ng boyfriend para tumigil ang pagdurugo. Hahaha. Baliw lang. Bakit, first aid din yun ah..waaaaah. Nu nga kayang feeling ng nasisipsip ng iba ang daliri mo. Nyehehe, pero teka, naalala ko lang, di ba yun din yung daliri nyang ginamit sa pagpapahid ng kulangot kay Zarren? Bwahaha, oo yun nga. Dating pinamahid, ngayon sinipsip. Hahaha.

Biglang dumating lang mommy ni Michaela at Rafael. Pinsan ni ANghel. Tumakbo dito ang dalawang bata. At..

“Mommy, sinipsip ni Tita Zarren yung daliri ni Tito Anghel.”- putek, daldal netong batang to ah.

Nahiya tuloy si Zarren. Biglang inalis ang daliri ni Anghel sa pagkakasipsip. Haha, napansin ko lang, siguro kamag anak ni Zarren si Shamcey. Hahaha. Chupachups. Adik. Tsk.

“Ah Ate, wala naman po kaming ginagawa ni Anghel, nasugatan lang naman po sya kaya…”-Zarren, mega explain pa.

“Ok lang yun. Wag kang mag explain. Sigurado kong sinadya ni Anghel yan, makaisa lang sayo. Hehe”- yun oh, buti nalang mabait si ate. Haha  “Sige na. Tara na kids, matulog na kayo.”

Yun at naiwan na sila ni ANghel sa kusina, matapos isa-isang humlik sa pisngi nya ang mga bata.

“Sinadya mong hiwain yang daliri mo noh?”-Zarren

“Uy di ah, dumulas lang talaga. Hehe. Sarap nga eh.”

“umm!”-Sabay batok lang. 

“Aray.. Hehe,Tara na? Gabi na eh, hatid na kita”-Anghel

“Nasan ang karugtong nun?”

“Ayyy, uy nga pala. Sabi ko po gabi na, hatid na kita mahal ko? Hihi”

“Mejo pagod na nga ako mahal eh. Kaso talagang nakakatuwang makipaglaro sa mga pamangkin mo. Ang c-cute nila.”

“Hmp, mas cute pa sakin? Nung bata ako mas cute ako sa mga yun.”

“haha, pagselosan ba naman sila. Ikaw ha, pati sila pala inaasar mo. Di kana naawa sa mga bata.”

“Di naman eh. Lam mo naman ang mga bata, OA yung mga yun magkwento. 90% sa mga sinasabi ng mga yun imaginary. Hehe, pero kita mo naman, close pa rin kami kahit may asaran diba. Mahal ko ang mga yun kahit makukulit.”

“Weh, eh mas makulit ka pa sa kanila nung bata ka eh. Sigurado naman akong wala silang pinahiran ng kulangot noh.

“Hehehe, malay mo diba. Yang si Rafael pinakamakulit yan. Akalain mong sinadyang basagin ang mamahaling ashtray ni lolo. Sinadya nyang ibato. Tas biglang umiyak ng malakas. Ayun, di tuloy napalo. Hanep yang mga batang yang pumaraan.”

“hehehe, mana sayo.”

“Ano? Ambait bait ko eh. kaya mo nga ako minahal diba?”

“Kasi mabait ka? Sinong nagsabi?”

“Mommy ko.”

“Asan nga pala mommy at daddy mo?”

“Dinalaw nila si utol sa states.. Epal kasi yun. Dun pa gustong mag aral. Bobo naman sa English.”-Waaah ang sama mo lang Anghel.

“Sama mo!”

“Di naman. Ganto lang talaga kami ni utol. Hmmm, mabalik lang sa mga bata..”-Anghel may kalokohan nanaman sa isip.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now