Chapter 10: angkan ng mga pogi..

Comenzar desde el principio
                                        

“Bad nga si tito nyo minsan. Pero good naman talaga sya di lang halata. “-Zarren

Tawanan ang mga bata. Pati matatanda. Parang sang ayon lahat ah.

“Oo nga po tita Zarren. Basta pag inasar po kami ni Tito Anghel, kampi po tayo ha.”-Georgina, 5 yrs old.

“Ibig sabihin lahat kayo, inaasar nya?”

“Opo!!”- sabay-sabay ang lima. Waaah, pumapatol sa bata tong si Anghel. Lakas talaga netong mang-asar.

“Ganon ha? Di bali kids, akong bahala sa inyo. Kampi tayo diba. Lagot sakin yang si Tito Anghel pag pinaiyak kayo.”

“Yeheyyyy!” yun. At sabay sabay pang tumayo ang limang mini rangers para akapin sya. Hehe, sarap lang daw sa feeling na napapalapit sya sa pamilya ni Anghel. Syempre si Anghel naman natutuwa rin na makitang closed na agad si Zarren sa mga makukulit nyang pamangkin.

“Waaaah, Sali ako.”- Anghel, nakiyakap din.

Tawanan. ANg saya nila parang family lang. Nung matapos silang kumain, di na talaga siya nilubayan ng limang bata. Di tuloy sila makapagsolo ni Anghel. Hehe.

“Tita Zarren, laro po tayo”-Michaela may hawak lang na dalawang barbie. Wahaha

“Opps, Mica, pagod si tita Zarren. Kay Georgie ka nalang makipaglaro.”-Anghel. Nyahaha, sinimangutan sya ng bata. Lalo namang natuwa si Zarren.

“Ok lang. Sige laro tayo. Hmmm, ganda naman ng barbie mo Mica, kamukha mo.”- gumaganon na si Zarren ah. Akalain mong mabait pala siya sa mga bata.

Yun. At tuluyan na silang naglaro. Pasulyap-sulyap lang sya kay Anghel na lagi namang nakatingin sa kanya. Nag i-ilove you pa ang ungas pag napapatingin sya. Kakilig naman. Haha, pano kasi mula kanina ay di na nya nakausap ng mag-isa si Zarren. Lagi nang may mga makukulit na nakabuntot. Kaya ayun, nagpapansin nalang sya. Kumuha sya ng apple sa ref tas binigyan isa-isa ang mga bata. Ewan ko lang kung anong plano nya. May magawa lang ata. Tsk.

“Tita Zarren, pahati po ng apple ko. Liit teeth ko eh, di ko pa sya kaya ibite.”- Mica ulit.

Yun oh, tumayo si Zarren at pumuntang kusina, nagsisunuran nanaman ang mga bata. Syempre, asahan nating eepal si Anghel. Ang hari ng ksp. (kulangot sa pisngi ba to? Hehe)

“Ako na po mahal ko baka masugatan ka pa.”- yun oh, sabay kuha ng pinakamatalas na kutsilyo para hiwain ang apple..Bawat hiwa nya, titigin kay Zarren at sa mga bata bago ngingiti. Tsk, malala na sya. Papansin talaga hay..

At nang biglang parang di nya nakita na daliri na pala nya ang hihihiwa nya.. Napatili si Zarren pati ang mga chikiting..

“Ano ba yan Anghel, bakit mo naman hiniwa daliri mo.”- Zarren habang kumukuha ng tissue.

“Tito masaket?”- Rafael, 5 yrs old din.Evil smile. Halatang natuwa nung mahiwa si Anghel.Little anghel ang isang to.

“Waaaah, sobrang sakeeeet. Mamamatay na ata ako.. Huhu”

“Kaw kasi kasalanan mo, di ka nag iingat!”- Zarren habang pinupunasan ang dugo.

“Di ba tito sa tv, sinisipsip yung dugo pag nahiwa?”-Gab

“Oo ng pala, mahal ko, sipsipin mo bilis baka maubusan pa ko ng dugo.” –tsk, pumaparaan nanaman.

“Hah? Bakit ako, ikaw na lang.”- waaaah, Zarren kunwari ka pa sipsipin mo na. Yun oh nakatingin ang mga bata, baka insipin nilang di mo love ang tito nilang tampalasan. Haha

“Oo nga tita Zarren, sipsip mo na. Kawawa naman si tito.”

“Oo nga po. Baka mamatay sya.”

It Started with a 'K'  (from A to Z)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora