Chapter 10: angkan ng mga pogi..

Depuis le début
                                        

Pagpasok nila sa loob, mas lalo syang namangha sa sobrang laki ng bahay. Parang mansyon nga daw, pati mga gamit halatang mamahalin. Yun nga lang hirap pa rin syang huminga kasi nga kinakabahan sya sa pamilya ni Anghel.

Dinala na sya ni Anghel sa dining area. Ang haba ng mesa, parang yung mesa lang na napapanood nya sa tv.  Yun. Nagmano si Anghel sa lolo’t lola nya. (Akalain mo,buhay pa pala sila?hehe bad).

(Zarren’s pov) Waaaah, anong gagawin ko. Lahat sila nakatingin sakin. Nakakakaba naman to. Bakit ganyan ang mga itsura nila, magkakamukha sila ah. Halatang mayayaman sila. Nakakahiya di manlang ako nakapagbihis ng pormal. To kasing si Anghel eh, di manlang sinabing pupunta kamil dito.

“Lolo, lola, si Zarren po, nobya ko”—ano daw? Nobya lalim mo pre. Haha.

“Good evening po.”- Sabay nagmano rin sya sa mga matatanda. At binati ang iba pang andun. Bakit parang sinusuri nila si Zarren mula ulo hanggang paa. Tsk, ganyan ba talaga ang mayayaman? O feeling lang ni Zarren yun?

“Kumusta hija, ikaw pala ang magandang dilag na laging kinukwento nitong si Anghel. Upo ka at saluhan mo kami sa hapunan.” –weeeeee, mabait naman pala si lola. Haha.

“Salamat po.”- hmm, kinukwento mo pala ko sa kanila ah. Sweet naman.

“Ikaw naman hijo, bakit ngyon ka lang ulit nadalaw dito. Namimis kana ng mga pamangkin mo.”- lolo gwuapito. Halatang dito nagmana si Anghel. Kahit pure Spanish ay sanay magtagalog.

“Sorry lo, busy eh. To kasing si Zarren, ayaw akong nawawala sa paningin nya. Hehe”

Siniko nya si Anghel. Haha, antalino lang ni Anghel, alam nyang di sya kayang sigawan ni Zarren sa harap ng pamilya niya. Teka lang, wait. Maipakilala muna ang pamilya ni ANghel. Yun nga si lolo, si lola, dalawang tito, tatlong tita nya, at dalawang pinsan at limang pamangkin. Yun lang yun naispatan nya sa mesa eh. Gusto sana nyang itanong kung asan ang parents ni Anghel, kaso nahiya sya. Mamaya nalang.

Yun. Tahimik lang sya habang kumakain. Naiilang kasi sya. Nang bigla nalang may nagsalita.

“Tito Anghel, mabait po ba sya?”-4 yrs old na pamangkin ni ANghel na si Michaela. Ngumuso pa kay Zarren. Hehe

“Si Tita Zarren yan. Syempre mabait sya. Di naman sya nangangagat eh. Magiging asawa sya ni Tito Anghel kaya tita na ang tawag nyo sa kanya ha.”

(Zarren’s pov) yiiiih, kinilig naman ko dun. Asawa ha, hehe tara kahit saang simbahan. O gusto mo pa kahit sa huwes muna. hihi

Yun. Nginitian ni Zarren si Michaela. Ang cute lang, parang babaeng version ng maliit na Anghel. “Hello, ang cute mo naman. Anong name mo?”

“Michaela”-sagot ng bata

“Opps, may kulang.”- Anghel nanaway lang.

“Michaela po.”

“Yan, lagi kasing nakakalimot mag-po at opo eh.”-Anghel ulit

“Tita Zarren, love mo po tito Anghel ko?”- waaaah bakit ganito tong batang to. Parang tinuruan lang ni Anghel to ah. Tsk tsk, sagutin mo yan Zarren. Bahala ka jan.

Syempre nagkatinginan sila ni Anghel. Natatawa na ang loko. Halatang tuwang tuwa sa Q & A na nagaganap. Haha

“Oo naman love ko siya. Kahit makulit at pilyo sya. Kahit na lagi nya kong inaasar, love ko pa rin sya.”- hmm mukhang handang handang makinig ang mga chikiting ah.

“Bad si Tito eh. Lakas po nyang mang-asar, Kami nga rin po inaasar nya.”- sabat naman ng 7years old na si Gabriel. Yun oh, huling huli ni Zarren si Anghel na sinimangutan si Gab. Nagbelat sign naman tong si Gab kay Anghel. Halatang nag aasaran ang mag tito. Haha, ang cute tignan.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant