"Awwww naman mahal ko.."-Habang naglalakad palayo..
Katahimikan
“Mahal ko, galit ka?” Anghel pasweet lang.
“Hindi naman. Mejo naninibago lang siguro ko. Lam mo na, first time ko lang kasing magkaboyfriend eh. Nasanay lang siguro ko na wala.”
Dahan-dahan lang hinawakan ni Anghel ang kamay niya tas “Pwes sasanayin na kitang meron. Hehe, I love you..” -waaaah, bakit may kiss pa sa noo. Parang lola lang. haha.
“San nga pala tayo?”- Zarren. Nakasakay na sila ng kotse dito..
“Secret. Basta malalaman mo rin..”
Yun oh, may pa secret-secret pa tong ungas na to. “San nga? Baka kung san mo pa ko dalhin nyan ah. Child abuse!”
“Wahaha, child abuse ka jan, pwede ka na ngang gumawa ng child eh. “- waaah ang masasabi ko lang dito…bahala kayong mag-usap, labas ako jan. Malinis ang utak ko.nyahaha.
Yun. Tumirada nanaman ng hampas factor tong si Zarren. Hampas na may halong pagmamahal naman. Ahihi. “Sira ka talaga. Di pa ko handa sa mga ganyan noh.”- at pinatulan pa talaga ang usapin. Tsk. Mahirap yan balbon. (Commercial: Si Bal, si Bal na walang malay ay naispatan namin ni Fate kahapon sa gym. Waaaaaaah. In fairness, di ko dinaan sa santong paspasan. Nyahaha. Yun lang muna.)
Game. “Oh bakit naman love? Ay mahal ko pala. Bakit?”
Waaaaah, sino si love? Amputek na Anghel na to pa epal pa. Syempre di yun nakaligtas sa pandinig ng bida natin noh. “Sinong love?”- Galit na tono.
“Wala yun mahal. Nagkamali lang yung utak ko ng ipprocess na word.” – weh, lokohin mo lolo mo. Pati utak mo dinadamay mu ah, ano ka ngayon, balbon?
“Pa love love ka pa jan ah. Sino yun, ex moh??”
“Hindi. Wala nga yun. Nabigla lang po”
Katahimikan. Kaartehan. Breakan mo na Anghel, tayo nalang. Hehe. ANghel loves karu nalang, sarap pa sa tenga. Haha, agawan daw ba si Zarren. Tsk.
(Zarren’s pov) –At sino naman kaya yung tinawag nyang love ha.. Badtrip naman. Ex nya ba yun? Tinagalog lang nya ah. Mahal ko. Bwiset.
“Uy, mahal ko. Anong iniisip mo ha. Mali ka ng iniisip ha. Love, mahal, ikaw lang yun. Wala ng iba. “
Di pa rin sumasagot si Zarren. Feel lang niyang suyuin siya ni Anghel.
“Mahal ko naman. Pansinin mo na ko please. Malapit na tayong bumaba eh. Yoko namang makita nilang ganto tayo. I love you.”
“Kaninis ka kasi eh. Sino ba talaga yun.”
“Wala nga po, ikaw rin yun. Lam mo naamang kaw lang ang love ko eh.Please. Yan na, dito na tayo.”
“Asan ba kasi tayo? Parang lumang design ng bahay ah. Baka may multo jan ah.
“Hehe, luma nga yan. Kasi andito tayo sa ancestor house namin. Tara na.”
“Ano? Bat di mo manlang sinabing pupunta tau sa family mo? Nakakahiya.”
“Ok lang yan. Gusto ko kasing makilala ka nila. Tara na.”
“Baka di nila ko magustuhan. Pano yun pag ayaw nila sakin?”- epal pa tong si Zarren, ayaw pang bumaba, excited na kong makilala ang pamilya ni Anghel eh. tsk.
“Don’t worry, mabait ang pamilya ko noh. Magugustuha ka nila. Ako nga nagustuhan kita eh, sila pa kaya. Tara na.”
Yun. La na syang nagawa, bumaba na rin sya. Nakakelib lang daw ang design ng bahay. Lumang design pero parang buhay na buhay pa rin. Yung tipong masaya pa rin ang aura kahit tahimik.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 10: angkan ng mga pogi..
Start from the beginning
