[45] My Favorite Book

Magsimula sa umpisa
                                    

Ako? Sobrang chill lang ako sa sasakyan ni Andreau at doon kumain ng maraming ensaymada. Ayoko nang pakialaman si Andreau ngayon, baka masigawan pa niya ako nang wala sa oras. Kaunti na lang kasi magiging agit na siya sa bagay-bagay eh! I was on my third piece nang magring ang phone ko. Inubos ko muna ang ensaymada bago ko sagutin ang tawag.

I was surprised to see the name on my phone's screen. Si Ate Gaile, ang mommy ni Butchoy, ang tumatawag sa 'kin. That was weird, kausap ko lang siya the other day at katulad ni Mars, hindi rin 'to palatawag not unless importante.

I answered on the fifth ring. "Uy Ate Gaile! Bakit?"

I should've known something was wrong when I heard the background noises on the other line. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi sa background, parang ang dami kasing nagsasalita at the same time. Moments later, may narinig akong familiar na tunog: iyak ni Butchoy. Siya lang naman ang kilala kong sunud-sunod na sumisinok kapag umiiyak.

"Say? Asan ka?" Ate Gaile whispered few seconds later, her voice quivering. My gut churned at her tone. Ayaw kong maparanoid pero.. the last time I heard her like this.. nung.. sinugod namin si Tata Greg sa ospital.

"Ate Gaile? Bakit? Nasan kayo? Ba't umiiyak si Butchoy? Ate?"

Sunud-sunod na lang na pag-iyak ang narinig ko mula kay Ate Gaile. Lumabas ako agad ng sasakyan ni Andreau para makakuha ng maayos na signal. "Ate Gaile! Hoy ano bang nangyayari dyan? Nasan kayo?" I repeated with a steady voice.

"Say.. si Nana.." she managed to say in between sobs, "bumangga yung barangay patrol sa isang truck kanina.. nandito kami sa may private hospital sa poblacion.. Say.." Wala na ulit siyang nasabi na matino at tuluyan nang umiyak.

The bile quickly rose in my throat, sweat pooling near the base of my spine. Before I could even blink away, I grabbed my backpack inside Andreau's jeep as I register the bits and pieces of what Ate Gaile just told me.

Si Nana.

Oh God. Please. Not her.

Walang-wala ang kaba ko ngayon kesa nung sinugod si Andreau sa ospital weeks ago. Parang kaninang umaga lang nagtext siya sa 'kin na hinahanap ako nung ale na nagbibenta ng sandals sa barangay hall. Sabi ko pa naman sa kanya babayaran ko na lang 'yon pag nagpadala ulit si Mima later this month. Ni hindi ko na nasagot ang reply niya sa 'kin, masyado akong naaliw sa pagkain ng ensaymada rito.

"Uy Zades! Saan ka pupunta?" nakangiting tanong sa 'kin ni Eddie nang makasalubong ko siya habang papunta ako kay Andreau. "Hindi pa tay--"

"Si Andreau nasaan?"

Naramdaman siguro ni Eddie na may mali sa 'kin, sumeryoso siya bigla. "Hey, okay ka lang ba Zades? Anong nangyari?"

"I really have to go now, Eddie. Naaksidente yung lola ko," I replied in a hurried tone. My eyes surveyed around the set, hoping to find Andreau, but he wasn't around. "Nasan ba si Andreau? Magpapaa--"

"Andreau! Come over here!" sigaw ni Eddie kina Andreau na nasa may tent. Lumingon sa direksyon namin si Andreau, na medyo nairita pa ata. "Kailangan ka ni Zade dito! Dali!"

One second he was at the other side of the set, then next he was already beside me. Hindi ko pa mamalayang nasa tabi ko na siya kung hindi niya pinaulit-ulit ang pangalan ko. "Zades! What happened?" he asked, clearly restless.

I wanted to tell him everything but nothing came out of my mouth. All I could do was wrap my arms around his waist and hug him tight. Shit, hindi ako pwedeng umiyak. Not now, Scheherazade. Not.. now. Andreau hugged me back, his lips ghosting against my forehead. "Eddie, anong nangyari? What did she tell you?"

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon