Mahal ko siya, pero siguro.. Mas mahal ko pa rin si Paolo.

Pero sigurado akong konti na lang ang lamang nun! Siguro mga 5% na lang!

Bakit kasi umaasa pa rin ako. Kahit  dahil lang sa mga simpleng getures ni Paolo, parang bumabalik ang feelings ko instanly. I hate how my heart skips a beat everytime I see him.

Ayoko nang umasa!!

“Hey? Yna?”

“E-eh? Sorry.. I was just.. uhh.. Remembering my lines. Ahehe.. ^______^” See how unfair am I? =(

Sabay kaming pumasok sa club room. Kailangan naming mag-report kay Sir every morning para alam niya kung sino ang makaka-attend ng rehearsals after classes.

As usual, sa amin naka-tingin lahat. And when I say ‘lahat’, it means kasama SIYA.

Ayan na naman yung tingin niya.. yung tingin na parang nagsasabing, “Nagseselos ako, lumayo ka sa kanya.”

At yung tingin niyang parang may binabalak.

DugDug, says my heart.

I looked away.

“Great, kumpleto na ang attendance. You may proceed to your classes.”

Hinatid ako ni Yuu sa room. Ang gwapo ng taga-hatid ko. ^___^

”Bye” He poked my nose.

”Byeeee. See yah.” Pumasok na ako sa room.

Kasunod ko siya. Umupo siya sa tabi ko, nagpalit kasi ng sitting arrangement and luckily, siya ang napunta sa tabi ko. =___=

Naka-tingin na naman siya sa’kin pagkaupo niya, yung tingin na nagpapakita ng determinatiion niya na magka-ayos kami. Araw-araw yan. LOL. Kailan pa ako naging eye reader?

Kaya palagi akong naka-tingin sa bintana eh. Ayoko siyang makita, pag sa harap kasi ako tumingin, kita ko pa rin siya sa gilid ng mata ko.

MAPEH na. Health kami ngayon, topic naming ang emotional health. Nagkaroon kami ng group activity. We’re having a debate!! ^O^

Two groups lang, since even ang number ng girls at boys, Girls vs. Boys ang laban.

TOPIC: Who is more emotional, girls or boys?

What a question. Brrt. +___+

Nag-start ang debate. Sa boys nagsimula, naglabas na sila ng agenda nila.

“Good Morning. Para sa amin, mas emotional talaga ang mga babae. They are more expressive. Mas madali silang magdamdam kumpara sa mga lalaki. Mas madali silang umiyak, yet madali ring tumawa. Kaya nasasabihan din sila ng ’maarte’ kasi minsan nagiging emosyonal na sila masyado.” Sabi ng isang kaklase kong lalaki, si RJ. Anong maarte? +___+

Turn naman naming mag-sabi ng agenda.

Tumayo si Sandi. Patay kayo ngayon. ~O~

”Ehermh. Para sa amin naman, guys can be MORE emotional than girls. Maaaring mas expressive nga kami, but that’s normal. This is my point. Hindi nga siguro kayo madalas umiyak, but you guys are often soooooooooo moody! We can’t get you! Minsan, bigla na lang mag-susungit, hindi naman kayo nagp-PMS. AND, Kapag galit kayo, what do you do? MAkipag-away at makipag-suntukan, right? Ibig sabihin, mas emosyonal kayo. You often think that the way to settle an argument is to FIGHT!!”

“Your one minute is over Ms. De Ocampo.” Awat ng teacher. Naman haha! Nagiinit pa lang si Sandi eh.

Time naman para magkontrahan kami tungkol sa mga agenda na sinabi ng magkabilang panig. Take note, PANIG. XD

Tumayo si Paolo. Naka-tingin.. sa’kin.

”Sinabi niyo nga na moody kami. Pero palagi ba yun? Kayo rin naman, you often have A BIG WAVE of moodswings kahit wala kayong period.” Talagang parang wala lang nung sinabi niyang ‘period’. Manyak. He continued.

“We’re guys. Alam naman naming na pwede talagang daanin sa usapan eh.”

“WHOOOOOOOOOOAAAAAA!!! EDI INAMIN MO RIN!!” Sigaw ng mga girls. Haha! Nabutasan sila.

Nakita kong kinukuyog na ng mga biys si Paolo, akala ata nila natatlo na sila.

”BUT!! Syempre umaasa kaming mga lalaki sa force namin. We use our strength in everything. Kaya madalas, nauuwi sa sakitan ang asaran. Pero kalian ba kayo naka-kita ng lalaki na nagda-drama at nagsasabi ng kung anu-ano habang umiiyak? O kaya naman, umiyak dahil sa.. heartbreaks? Hindi kami naglalabas ng sobra-sobrang emosyon, kami ang nagko-comfort sa inyong mga babae.” Napatayo ako sa sinabi niya.

”NOT ALWAYS!!” Ooops.

He smirked.

”Because you’re not letting us.” He said calmly.

”STOP IT!! YOU’RE HITTING BELOW THE BELT!! You’re being too personal! Hindi mo ba naiisip yun??” Ngayon ko lang ulit siya nakausap ng may kinalaman sa issue.

Natahimik ang atmosphere sa classroom. We we’re all waiting fir his answer. YES, I, too, was waiting for his answer. Kahit si Ma’am hindi nagsasalita oh.

But instead, he threw a line that hit me big time. I hate it.

“Paano ako makakapag-isip kung ikaw lang ang palaging iniisip ko?”

Love Team (EDITED)Where stories live. Discover now