Scene 28

2.9K 50 3
                                    

[Scene 28]

**YNA'S POV**

"MAMA!! Maganda na ba 'ko?" Lakas-loob kong tanong kay Mama. Kinakabahan ako!

"Palagi naman anak. I'm happy for you. I-kumusta mo kami kay Paolo ha? Dalaga ka na!!" Tuwang-tuwa si Mama.

"Basta ia-update mo kami kung saan kayo pumupunta ha? Uwi agad pagkatapos. Eto budget mo, konti lang yan. Hayaan mong si Paolo ang magbayad ng iba para sa'yo. Haha!" Sabi ni Papa.

Kilala nila si Paolo since first year kami, at noon pa nila akala na may something na sa amin, kaya trusted na raw nila si Paolo though ngayon pa lang ako nag-paalam na may 'date' kami.

*beep-beep*

2 New messages Huh?

"From: Sandi

Good morning pretty! Good luck and enjoy your date! Balitaan mo kami ah? XD"

Binuksan ko na yung isa pa.

"From: Hany

Hi Yna! Enjoy kayo ni Pao ha? Ingat :]]"

Tingnan mo 'tong dalawa, pareho lang ang laman ng text haha! Ayy! Bati na nga pala kami ni Hanna.

To: Sandi;Hany

Thanks. Haha!

Pareho lang ang reply ko sa kanilang dalawa.

Tumingin ako sa orasan. Hala! Malapit na! Bakit kasi hindi siya naglo-load.. TT>TT

"MAMA!! PAPA!! Sigurado ba kayong ayos ang itsura ko??"

"Oo nga sabi anak." - Papa.

"ANAK! AYEE!! Andyan na yung gwapo mong boyfriend sa labas! Labas ka na!" Inabot ni Mama sakin yung purse ko tapos tinulak na ako palabas. WAW. Tinataboy ang anak.

"Enjoy!" Sabi pa niya.

Tumingin ako sa gate.

Shocks Gwapo!! >//////<

"Ah.. Good Morning!" Binati ko siya. "Saan tayo?" Nag-simula na kaming mag-lakad.

Tuigil siya sa paglalakad, humarap sa'kin at nilahad ang kamay niya.

Ano hinihingi nito? Pamasahe?

Love Team (EDITED)Where stories live. Discover now